EnjoyReading:) Third Person's POV Tulog na tulog si Ella dahil hindi niya namamalayan na inaapoy na siya ng lagnat. Hindi niya alam na may nakapasok na pala sa bahay nila. Si Shan at ang kabit niyang si Chelsey. "Hon mauna ka ng kausapin yung asawa ko para sa annulment papers may kukunin lang ako sa kotse." Sabi ni Shan dito. Dahil may naiwan siya sa kotse na kailangan niyang balikan. Ngumiti naman ng pagkatamis tamis si Chelsey at humalik kay Shan. Gusto na talagang magbagong buhay ni Shan kasama ang kabit nito. "Sige hon, take your time." Mahinhin na sabi niya kay Shan. Pero hindi alam ni Shan ang totoong ugali ni Chelsey na plastic lang ang pagiging mabait nito. Matagal na din talagang alam ni Chelsey na may asawa si Shan. Gusto na talaga niyang masolo si Shan at makasama na it

