Chapter 24

2852 Words
(Sold to Mr Falcon) Chapter 24 Winter Pov. HINDI ko inaasahan ang pagki-kita namin ni ashong kanina. Sa mahigit anim na taong lumipas, hindi ko na iyon iniisip pa. At dahil sa kaalamang siya ang taong bibili sa pwesto ng paaralan. Hindi ko maiwasang mag-isip ng iba‘t-ibang detalye kung bakit iyon pa, bakit dito pa kahit na alam niyang naroon ako. May rason ba siya kung bakit niya napili ang paaralang iyon? Hindi ko nais mag-isip ng ibang scenario sa isip ko. Nais ko lamang maging maayos ang lahat. Kung itutuloy pa rin nito ang balak na bilhin niya ang lupa, hindi ako magdadalawang isip na puntahan siya sa kanyang opisina upang kausapin ito. Alam ko‘ng magiging mahirap iyon para sa akin. Ngunit alam ko‘ng mapakiki-usapan naman ng maayos si philip kung kukumbinsihin ko itong humanap na lang ng ibang lupa. At huwag na itong paaralang iniingatan namin. “Sigurado ka ba‘ng si philip talaga ang bibili sa pwesto ng paaralan?” tumango ako sa tanong ni papa. Araw na ng lunes, alas sais pasado na at kaming dalawa na lang ni papa ang nasa bahay. Umalis na kasi si mama upang tumungo ito ng bakery at matulungan ang mga tindera namin doon. “Nakita ko po siya noong sabado, naroon po ito. Kinukuhaan nila ng nga litrato ang ilang sirang gusali..” “Baka hindi naman talaga si philip ang bumibili, anak. Ang sabi mo, may kasama siyang babae. Baka iyon talaga ang buyer?” hindi ako nakasagot sa tanong ni papa. Iniisip ko rin iyon, pero malinaw naman sa akin na si philip ang nakikipag-usap sa principal. At saka, pwedeng silang dalawa din ang bumili ng lupa. Magiging mag-asawa naman na sila, o baka mag-asawa na sila. Hindi ko malaman kung bakit naging kakaiba ang pakiramdam ko. Dahil lamang naisip ko na baka mag-asawa na sila, para ba‘ng nawala ako sa kundisyon. Pero alam ko sa sarili na hindi ko dapat maramdaman ito. Dapat maging masaya na ako, alam ko‘ng noon pa man ay hindi talaga kami para sa isa‘t-isa ni philip. Hindi kami pareho, at alam ko na ang mga bagay na hindi dapat ipaglaban pa. “Nga pala, nag-usap ba kayo ni philip?” umiling ako sa tanong ni papa. “Nagmamadali po silang umalis. Siguro, sinuri lang nila ang kabuuan ng lupa..” Bumuntong hininga si papa. “Kung si philip nga ang taong bibili ng lupa. Paano mo siya kakausapin? Hindi ba‘t hindi naging maganda ang paghihiwalay ninyo noon?” bumuntong hininga ako. Alam ko‘ng hindi nga naging magandang ang huling pag-uusap namin. Pinagtabuyan ko siya, sinaktan ko ito at kung ano-ano ang sinabi sa kanya. Siguro nga ay deserve ko naman ng hindi pansinin ni philip. Ngunit alam ko‘ng tuluyan ng magkakalapit ang landas namin kung siya nga ang totoong buyer ng lupa. “Nakaraan naman na iyon, pa. Sigurado naman akong nakalimutan na iyon ni philip. Mukhang bigatin na po talaga siya, kung ano po iyong nangyari sa amin noon. Wala na ‘yon..” tumango si papa sa sinabi ko. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa loob ng anim na taon. Matagal ng panahon ang lumipas simula ng umibig ako, at hindi ko iyon sinubukan pa. Hindi ko alam kung bakit, kahit marami naman ng sumubok manligaw. Hindi ko sila binibigyan ng oras at agad ng sinasabing hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. Sa ngayon, focus muna ako sa pamilya ko. Hindi pa naman na masyadong matanda ang edad na bente otso, siguro‘y makakahanap din ako ng isang lalake na muling paiibigin ang puso ko. HINATID ako ni papa mga alas siete pasado na. Alas otso pa naman ang klase namin dahil may flag ceremony pa ang mga bata. Sakto lamang ang dating ko ng maabutan ko na silang nakapila, nagtungo ako sa gilid ng stage kung nasaan naroon din ang mga kapwa ko guro. Nginitian nila ako kahit na may pinag-uusapan sila. Subalit focus lang ako sa mga studyante kung saan tinitingnan ko sila kung paano nila ayusin ang pwesto nila sa harapan ng stage. Si teacher lilian naman ang may hawak ng mike. Sinabi nito ang tungkol sa problema ng paaralan na baka may posibilidad na mailipat ito malapit doon sa simbahan. Medyo may kalayuan ito dito at kung pupunta ka man ‘don. Kailangan mo pa‘ng sumakay ng tricycle. Ang ilang studyante ay nasiyahan sa sinabing iyon ni teacher lilian. May mga nagreklamo naman na mas maganda kung hindi na ito gigibain pa. Ngunit alam ko‘ng wala silang magagawa kung iyon ang magiging desisyon, ngunit ako. Susubukan ko pa ‘ring kausapin si philip kung makukumbinsi ko nga ba siya. MATAPOS ng kalahating oras na flag ceremony. Pinapasok na namin ang mga bata sa kanilang silid. Ngayong buwang ito, huling buwan na nang pagtuturo namin. Sa susunod na buwan ay bakasyon na ng mga bata. Hindi ko naman na iniisip ang pahinga, dahil sa tuwing summer. May tatlong bata akong tinuturuang magbasa. Hindi na iyon bago sa akin kada taon, kaya‘t abala din ako tuwing bakasyon dahil isa rin akong tutor. “Ano na kayang lagay ng lupang ito? Sa tingin niyo ba. Maa-approvan ng korte ang papel?” hindi ako nakisali sa usapan ng mga kasama ko‘ng guro. Nasa opisina kami, hinihintay pa namin ang principal dahil may pag-uusapan daw kami. Hindi ko alam kung tungkol saan iyon, ngunit hindi na maganda ang kutob ko kaya‘t nawawalan na lamang ako ng imik. “Hindi pa rin talaga ako sang-ayon sa gagawin nila. Parang ayokong i-let go itong paaralang ito, nakakalungkot..” nais ko‘ng dugtungan ang sinabing iyon ni grace. Ngunit ang grade six teacher na kasama namin, bigla siyang sumabat na tila taliwas sa sinabing iyon ni grace. “Ayaw mo ba ‘non? Magiging bago ang mga gusali natin. At ang buyer na bibili sa lupang ito, nangako siya na magpupundar ito ng pondo sa paaralan. Maglalagay siya ng aircon sa bawat silid, may library, may computer, at laboratory room. Kesa naman dito!” Hinarap ko ang teacher na ‘yon habang hinahalo ko ang aking natimplahang kape. “Hindi niyo po ba pinahahalagahan ang paaralang ito kung saan kayo natuto? Hindi po ba marami ng henerasyon ito, kung nais niyo ng mga ganoong silid. Maaari tayong magpatayo dito, maalwalas pa ang espasyo. Kung magtutulungan lang sana tayo, magiging maayos ang lahat!” Natawa ang gurong iyon. “Bakit iyon pa ang iniisip mo? Alam mo, lahat ng bagay dito sa mundo. Hindi permanente, kaya‘t tanggapin mo na lamang na mawawala na ito. O baka naman, kaya‘t hindi ka sang-ayon sa pagbili ng lupa. Matatamaan ang bakery ninyo!” Tumayo si grace at ang ilang kasama namin upang awatin na kami. Pinahupa nila ang usapan at sinabing huwag dapat pagtalunan ang bagay na walang kasiguraduhan. Ngunit hindi ko lamang nais tanggapin. Oo at alam ko‘ng matatamaan ang bakery namin dahil ang lupang kinatitirikan nito ay sakop pa iyon ng paaralan. Ngunit kahit masasakop iyon, ayos lang sakin. Ang importante sa akin ngayon ay ang paaralang minahal ko na. ILANG minuto matapos mangyari ang sagutan sa opisina. Nagtungo na ako sa aking silid at hinayaan na lamang sila doon na hintayin ang principal. Sa ngayon, binigyan ko ng maisusulat ang mga studyante ko kahit na ang aking isip ay wala ngayon dito. Lumilipad iyon sa kung saan, iniisip ko kung paano kukumbinsihin si philip kung sakaling ma-approvan nga ang papel na ipinasa niya sa korte. Alam ko‘ng malaki ang chance na makuha ito ni philip. Noon pa man ay may bumalak ng bumili dito dahil nga maganda ang pwesto at maalwalas ang espasyo nito. Ang kaso lang, maraming umangal at nagreklamo. Kaya sa huli, hindi nila nakuha ang paaralan dahil walang approval na naganap. Ngunit dahil malaki ang binibigay na pondo ng bibili, matitiyak ko‘ng makukuha niya ito ng walang kahirap-hirap. Pumatak ang alas nuebe ‘y medya ng dumating ang kotse ng principal. Ngunit ang ikinapagtaka ko lamang ay kung bakit may dalawang puting kotse itong kasunod. Hindi maganda ang pakiramdam ko habang tinatanaw ko ang mga sasakyang iyon. Feeling ko nakasakay doon si philip maging ang mga kasamahan niya. Sinubukan ko‘ng lumapit sa bintana at bahagyang sumilip. Hindi naman na ako masyadong nakikita ngunit ang mga tao sa labas ngayon ay kitang-kita ko na. Hindi nga ako nagkamali. Bumaba ang mga kasama ni philip noong sabadong dumalaw sila dito. Sumunod ang principal bago ko mamataan ang pagbaba ni philip sa kanyang kotse. Mabilis siyang umikot upang tumungo sa kabilang pinto, at doon. Pinagbuksan niya ang isang babaeng nakaupo doon at inalalayang bumaba ng kotse. Dahil sa nakita, marahan na napalunok ako bago umayos ng tayo. Hindi ko na rin hinintay pa‘ng makalakad sila dahil nag-iwas na ako ng tingin at nag-focus sa mga studyante ko. Ngunit ang isip ko, naroon pa rin sa eksena kung paano alalayan ni philip si erica. Sila na ba talaga? Mag-asawa na siguro sila dahil tiyak na nahulog rin ang loob ni philip dito. Maganda naman na si erica, lalo na ngayon. Wala ka‘ng maipipintas sa kanyang kagandahan, halatang may narating na rin ito dahil kakaiba na rin ang kanyang awra. Kahit na alam ko‘ng may panauhin kami, hindi ako lumabas sa aking silid. Nag-discuss na lamang ako ukol sa topic na isinulat ko sa blackboard. Ngunit hindi pa man ako nangangalahati ng may kumatok na sa aking pintuan. Hindi na niya hinintay pa ang pagbukas ko, siya na mismo ang pumihit sa pintuan dahilan upang makita ko si teacher grace. “May meeting lang tayo saglit sa opisina..” hindi ako nagbigay tugon, maski ang tumango o ano man ay wala akong ginawa. Ngumiti na lamang si grace at tuluyang lumapit sa akin. “Halika na winter, siguro ay dapat na naroon ka. Wala na tayong magagawa pa..” nag-iwas ako ng tingin, hindi pa rin ako sumagot dahil alam ko na. May ideya na ako kung bakit narito na naman ang mga taong iyon. Sa huli, tumango ako dahil tama siya. Wala akong magagawa kundi ipadama ang presensya ko sa opisinang iyon. Sumama rin ako kay teacher grace kahit na mabigat ang pakiramdam ko. Alam ko naman na ang dahilan, dahil iyon kay philip at erica. Ngunit kailangan ko‘ng ayusin ang aking sarili. Hindi dapat ako nagpapa-apekto sa kanila, hindi ko dapat ipakita na nagkaka-ganito ako samantalang sila ay ayos lang. Dapat lamang na maging presentable ako sa kanilang paningin, na maging malakas at masaya ako. Bumuntong hininga ako bago buksan ni grace ang pinto ng opisina. Malaki naman na ang espasyo sa loob, kumpleto na sila maging ang isang supervisor rin ay narito. Kasama din nila ang kapitana ng lugar namin na isang nakikisang-ayon sa pagpapatayo ng bagong paaralan. “Magandang Umaga..” yumuko ako upang ibigay ang pagbati ko sa kanila. Kahit naman na labag ang loob ko sa nangyayari, hindi ako ganoon kabastos. May respeto pa naman ako sa kanila kahit papaano. “Mukhang kumpleto na tayong lahat dito..” iyon ang pasimulang anas ng principal. Walang nagbigay imik ni isa sa aming guro, hindi rin ako nagpapakita ng ano ‘mang reaksyon dahil tila ba napakasikip ng pakiramdam ko. Nasa iisang lugar lang naman kami ni philip. Alam ko‘ng hindi siya nakatingin sa akin dahil may binabasa ito sa kanyang harapan. “Narito ang buyer ng lupa, kung hindi niyo siya kilala. Ipapakilala ko siya sa inyo. Siya si Mr Ashton Philip Falcon, anak siya ng isang bussiness woman na nagmamay-ari ng maraming museum. Marami na silang naipatayong ibang project sa ibang lugar, at ngayon. Napili nila ang lugar natin upang magpatayo ng bago at mas malaking paaralan...” tumango ang ilan sa amin sa mahabang pagpapakila nito kay philip. Samantalang ako, alam ko na lahat ng tungkol doon. Kilalang-kilala ko na ito. “At ito naman na si Ms Erica Patria, siya ang fiancee ni Mr Falcon. Magbibigay rin ito ng pondo at siya ang magpapatayo ng library sa bagong school natin..” iyon ang karagdagang anas ng principal namin na siyang sinegundahan ng grade six teacher ngayon. “Ibig niyo po ba‘ng sabihin, na-approvan na ang papel at magpapatayo na ng bagong paaralan?” tumango ang principal sa tanong niyang iyon. “Yes, as i‘ve said. Our new school is more than bigger over this old. Maraming magbabago, mapapalitan lahat kaya‘t hindi tayo mag-sisisi sa gagawing desisyong ito..” hindi ako nagbigay imik. Kahit ano ‘mang sabihin nila. Hindi ako sasang-ayon. Kahit anong mangyari, panghahawakan ko ang pagmamahal ko sa paaralang ito. Kung sila ay hindi iniisip iyon, pwes ako. Hindi ako papayag. “Alam ko‘ng meron sa inyo na hindi nais maibenta itong lupa. Ngunit isipin na lamang natin ang mga bata, ang mga susunod na mag-aaral sa bayang ito. Hindi ba‘t maganda namang bago ang kanilang papasukang paaralan?” “Ayos lang naman sakin iyon, madam..” “Mas maganda ‘ngang makapag-patayo na tayo ng bago..” “Hindi ako aangal sa desisyong iyon..” Sa ilang gurong narito, iyon ang kanilang sinabi. Samantalang kami nila grace ay hindi pinahatid kung ano ang nasa saloobin namin. Sa ngayon, hindi ako magbibigay kumento. Ang nais ko’ng makausap ngayon ay ang lalakeng ito, bakit sa dinami-dami ng lupang mabibili niya. Bakit ito pa? Bakit sa lugar pa namin siya magpapatayo kung alam niyang narito ako? Ano ba ang gusto niyang mangyari? Hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal ko sa loob. Hindi rin naman na nagsalita si philip kundi si erica lamang ang nagbigay ng pahayag. Halos ang principal din ang siyang nagsalaysay ng lahat na hindi ko naman halos itinatak sa isip ko. Wala akong pakialam sa sinasabi nila. Kung nais nila ng bagong silid, magagawan iyon ng paaralan. Ang mga nais nilang ipatayo ay pwede naming iyon gawin, hindi sulosyon ang gibain ang buong paaralan at ibenta ang lupa kung saan nakatirik ito. Hindi iyon makatarungan dahil ang paaralang ito ay naging malaking marka na sa buong lugar namin. SA harapan ng aking silid kung saan hinihintay ko ang paglabas nila philip. Kasama ko si teacher grace na marami ‘ding sinasabi tungkol sa hinanakit nito. Ngunit hindi ko na iyon dinudugtungan, ang sa akin ngayon. Nais ko‘ng makausap si philip, hindi bilang ex girlfriend niya. Hindi bilang kakilala o ano man niya noon, kakausapin ko siya bilang isang concern na guro sa paaralang ito. LIMANG minuto pa akong nakatayo doon bago ko makitang lumabas si erica. Kasunod nito si philip na hindi naman ganoon nalalapit ang kanilang katawan, abala si philip sa kanyang cellphone habang si erica ay may sinasabi rito na hindi naman niya binibigyang pansin. Dahil sa pagkakataong ito, huminga ako ng malalim bago tuluyang magpaalam kay teacher grace. Kahit na ano man ang ginagawa nila, wala na akong pakialam pa. Ang importante talaga ngayon ay ang makausap siya at malaman ang rason nito. “Excuse me..” nilingon ako ni erica ng magsalita ako sa gilid. Nginitian niya ako samantalang si philip ay natigilan lang subalit hindi niya ako tinapunan ng tingin. “I just want to talk to you, mr falcon..” inilihis ko na ang tingin kay erica. Sumulyap ako ngayon kay philip na madaling ibinulsa ang hawak niyang cellphone. “I‘m sorry, we‘re going to leave now.” “Mabilis lang, tungkol lang sa paaralang ito..” natigilan siya saglit at doon na tuluyang bumaling sa akin. Sa sandaling ito, naging matagal ang pagtititigan namin. Hindi ko malaman kung paano ko nakayanang tumayo ng tuwid at matatag sa harapan niya gayun ang mga titig nito‘y nagdadala ng kahinaan sa aking sistema. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nararamdaman ko. Siguro dahil may nakaraan kami. Siguro ay dati siyang inibig ng puso ko kaya‘t ngayon ay nakikilala pa rin siya nito. “If you have something to ask, just ask the principal instead..” hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ganoon ba kaimportante ang pupuntahan nila upang hindi niya ako mapagbigyan na kausapin siya? Saan ba sila pupunta? “This would be took ten minutes, mr falcon. I just want to know why did you need to buy this place?” “Because that‘s what i wanted, Ms Villapania. So please, if your asking me nonsense. Just talk to my lawyer and file an appointment direct on my office. Not here, your just wasting my time...” Natulala na lamang ako sa kinatatayuan niya matapos nito akong talikuran. Hindi ko inaasahang pagsasalitaan niya ako ng ganon. Buong akala ko, magiging maayos ang pag-uusap namin. Ngunit nagkamali ako. Hindi ko na kilala ang taong nakausap ko kanina lamang. ******** to be continued... Ano winter? Fight pa rin ba o give up na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD