Maling Akala Chapter 40 Ashton Philip Pov. I didn't intend to grab the DNA test when it fall on her bag, nagulat pa ako dahil hindi ko naman inaasahang pregnancy test iyon na naglalaman ng positibong resulta. Hindi ko maiwasang mag-isip, hindi ko napigilang itanong iyon dahilan upang magtagal ang titigan naming dalawa. "Ano ba'ng pinagsasabi mo?" Muli ay ipinasok niya iyon sa kanyang bag. Kunot ang noo nito na para bang hindi kayang sagutin ang tanong ko. "Alam ba ni tita Elena na buntis ka?" Nilingon ako nito, her eyes was really fierce. Iyong tingin na nagustuhan ko noon sa kanya na para bang lagi siyang galit. Ngunit imbes na sagutin niya ang tanong ko, natawa siya sabaw iwas ng tingin. Umiiling pa ito bago kagatin ang kanyang labi. "Nagkakamali ka lang." Nagsalubong ang kilay k

