Chapter 3 (SPG)

4273 Words
(Second Touch) Winter Pov. SPG R-18 Matapos ng paskong lumipas, nagbiyahe kami pauwing probinsya ni lola ika-bente siete ng araw nitong disyembre. Doon namin sinalubong ang bagong taon, hindi ko na pinayagan pang sumama sa amin si ashong dahil nais ko rin naman magka-ayos silang dalawang mag-ina. Atsaka, mas mabuting ang pamilya nito ang kasama niya sa bagong taon kesa kami, hindi rin naman siya nagpumilit pa. Naiintindihan ako nito at nasabi ko rin naman sa kanya na uuwi rin kami makalipas ng petsa tres ng enero. Tulad ng sabi ko, madaling araw pa lang ng umagang iyon ay lumuwas na kami ni lola pa manila. Nais ko pa sanang maiwan na lamang si lola sa probinsiya ngunit hindi siya pumayag. Ang rason nito kung bakit, kakausapin daw niya ang bibili ng bahay. Iyon kasi ang napag-usapan na namin ni lola at ni mama. Matapos nang graduation, magtatake ako ng board exam dito pa rin sa manila. Hihintayin ko ang resulta at sa oras na pumasa ako, doon na kami tutungo pabalik ng probinsya. Nasabi ko na rin naman ito kay ashong. Hindi rin naman siya tumutol dahil hindi naman daw kuno malayo ang lugar kung nasaan ako, kayang kaya daw niyang takbuhin iyon gamit ang kotse ng dalawang oras lang. Natatawa ako sa tuwing iyon ang isinasagot niya. Nasabi ko kasi sa kanya, mas gusto kong magturo sa probinsya. Kung saan ako nag-aral noon dahil mahal na mahal ko ang paaralang iyon, doon ako halos natuto sa lahat ng aralin. At hindi ko kakalimutan kung saan man ako nagmula. ”Ilang araw ba ang practice niyo?” nasa sala kami nang magtanong si lola. Anim na oras ang biyahe namin pauwi dito, alas onse na ng makauwi kami at pinag-uusapan namin ang tungkol sa practice ng gradution. Sa katapusan na kasi ang graduation ng buong fatima, kasabay namin ang ilang kurso at kasama na roon sila ashong. Medyo sabik ako sa araw na iyon, hindi nga lang ako nakapag-ensayo ngayon dahil oras na kaming nakauwi. Tungkol din sa graduation fee namin, sa lahat ng gastos. Si ashong na lahat ang sumagot nito, kahit na ano mang pigil at sabihin ko hindi rin naman mananaig yung kagustuhan kong huwag na lang niyang bayaran 'yon. Sa huli, siya rin mismo ang kumausap sa advicer ko. ”Mga dalawang linggo po, yung mga natitirang araw ay paghahanda na namin iyon.” tumango si lola. ”Kung ganon, dito na lang ba ang handaan?" Nagkibit balikat ako. Gusto kasi ni mama na kumain kami sa isang restaurant, at dahil magastos iyon. Nagsuhestyon akong magluto na lang sa bahay, sumang-ayon si lola sa sinabi ko. Ngunit dahil nga graduation ko at dapat lang daw na i-celebrate iyon, kailangan namin kumain sa restaurant. Wala pa akong pag-sang ayon doon kung kaya't nagtatanong si lola ngayon. ”Si mama po kasi, gusto pa sa labas kumain. Ayos lang naman kung simpleng handaan lang ang meron.” Tumango si lola. ”Kung saan ka naman kumportbale, apo. Ngunit naisip ko rin na mas maganda kung sa labas na lang, maaari tayong mamasyal.” ”Gusto niyo po bang mamasyal?” ”Pwede rin naman, para naman mailibot mo si elena at henry dito sa manila.” Natawa ako. ”Si lola talaga, parang kabisado ko naman ang manila. Baka maligaw lang tayo.” ”Ang nobyo mo bang si philip, hindi ba dadaan dito sa araw na 'yon?” napaisip at natigilan ako, hindi pa namin napag-usapan ang tungkol sa araw na iyon. Ngunit sigurado naman na pupunta siya rito, ang kaso lang. Graduation niya rin at malamang na i-celebrate din nilang magpapamilya iyon. Hindi ako nakasagot sa tanong ni lola. Naisip ko kasi na baka makasama na naman niya si erica, ngunit dapat lang na wala naman akong ipangamba dahil nasabi sa akin ni ashong na buo ang desisyon nitong ayawan si erica. Hindi ko lang maiwasang isipin si mrs falcon, paano ko ba siya makakausap ng maayos kung bawat tingin ko sa kanya ay iniirapan niya ako. Napabuntong hininga ako. ”Baka abala po si philip sa araw na 'yon, sabay po ang graduation naming mga bussiness at educ.” ”Sayang naman pala, makakasama sana natin siyang mamasyal dahil tiyak na kabisado na nito ang syudad.” ”Maaari naman po tayong mamasyal, may alam na mall po akong nalibot na. Doon na lang tayo pumunta sa katapusan.” ”Iyon naman pala, kung ganon. Tawagan mo si elena mamaya at sabihin na ang pasya mo.” tumango ako kay lola, nagpaalam siyang ililigpit lang nito ang maruruming damit niya kung kaya't naiwan akong mag-isa sa sala. Nagmessage ako kay ashong kaninang umaga na pauwi kami, nakatanggap ako ng reply sa kanya ngunit nawalan ako ng kosignal sa bus kaya't ngayon lamang nagsend ang reply ko. ASHONG. • ”Six hours before i receive your reply, nakatulog ka ba sa bus?” Iyon ang natanggap kong mensahe ngayon sa kanya. Nagtitipa pa sana ako upang magreply sa kanya ngunit natigilan ako ng makita ang pangalan niya sa screen ko, tumatawag siya. Mabilis na sinagot ko iyon bago sumandal sa sofa, ang pagkaka-alam ko. Dapat nasa practice siya ngayong oras. At mamayang alas dose pa ang free time nila upang makatawag. Ngunit pwede mo naman isingit ang pagcecellphone kung hindi ka maaabala sa ginagawa mo. ”Nakauwi na kayo?” iyon agad ang bungad niya pagkasagot ko ng tawag. Wala akong naririnig na ibang boses sa kabilang linya, inaasahan ko pa naman na magkakaroon ng ingay dahil nasa gym siya ng mga oras na ito. ”Halos kalahating oras na, nagpahinga lang ako.” ”Mukhang napagod ang baby ko, huh?” natawa ako sa itinawag niya sakin, kahit saan ko siya makausap. Masyado siyang pilyo kung humirit. ”Hindi naman, narinig ko na ang boses mo.” hindi agad ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. Iniisip ko na baka nagpipigil siya ng ngiti at halos maimahe ko ngayon ang itsura niya. ”Bakit mo ba ako biglang ginugulat?” iyon ang siyang sinagot niya matapos ng pananahimik nito. Pagtawa lamang ang aking naging pagtugon dahil maging ang tinig niya ay nahihimigan ng kilig. ”Nasaan ka ba ngayon?” pag-iibang tanong ko sa usapan. ”Bakit? Miss mo na ako?” ”Oo.” Muli panandaliang katahimikan ang nangyari. Ilang segundo lang ng marinig ko ang mahina niyang pagmumura sa kabilang linya. ”Masyado mo yatang ginagalingan ang pagsagot ngayon, winter? Anong gusto mong premyo?” ”Ikaw lang.” ”Sh*t. Hindi ko na kaya.” ”Nasaan ka ba kasi?” ”Nasa puso mo lang ako, winter.” ”Grabeng kakornihan 'yan, ashong. Sumagot ka ng maayos.” natawa siya imbes na sumagot. Sa tingin ko, wala talaga siya sa gym ngayon. Hindi ba siya nagpractice? ”Gusto mo na talaga akong makita? Sabihin mo na kasi.” ”Oo, kaya nga tinatanong ko kung nasaan ka? Panay pa ang pagtawa mo.” ”Sus, nilalambing lang kita. Pinapakilig mo kasi ako, parang manghahalik ako nito mamaya.” ”Tch.” pinagkrus ko ang hita at mas lalo pang isinandal ang likuran ko. Hindi naman ako nakatulog sa bus dahil nahihilo lang ako, gusto ko man matulog kanina. Hindi ko magawa dahil nakukuha ng interest ko ang tanawin ng bawat dinadaan namin kanina. Feel ko lang talaga na ang sarap mag road trip. ”Gusto ko sanang mamasyal ngayon habang wala ako sa ensayo, ikaw ba?” ”Mamasyal? Ayos lang naman sakin, saan mo ba gusto?” iyon ang agad na tanong niya. Gusto ko sanang isama namin si lola dahil nasabi niyang nais nitong mamasyal, itatanong ko muna kung gusto nito dahil baka napagod ito kanina sa biyahe. ”Si lola lang sana, naitanong niya kasi kung pwede kaming mamasyal sa katapusan kasama si mama dito sa manila.” ”Graduation iyon hindi ba?” ”Oo.” ”Sama ako.” nangunot ang noo ko. ”Wala bang celebration sa bahay n'yo?” ”I don't know, were not talking about my graduation. Kaya sasama na lang ako sa inyo.” ”Per---” ”The decision is final.” natigilan ako at napatingala ng marinig ang boses nito sa likuran ko. Napakurap pa ako dahil hindi ko halos namalayan na nakapasok at narating niya ang likod ko ng walang ingay siyang nililikha. ”Hi, miss me?” bahagyang umawang ang bibig ko habang nakasandal ang ulo ko sa hamba ng sofa. Yumuko siya at mabilis na inilapat ang labi nito sa labi ko, nanatiling mulat ang aking mata dahil sa ginawa niya. Ilang segundo lang iyon ng humiwalay siya, nakangiti ito sa akin bago muling bumalik sa ayos ang pagkaka-upo ko. ”B-bakit ka n-nandito?” ”Gusto kitang makita, winter. Tinatanong pa ba yan?” umikot siya upang maupo sa tabi ko. Pinindot nito ang endcall sa aking screen upang maputol na ang tawagin namin kanina, napapatitig ako rito dahil kakaiba ang ngiti niya. O baka, hindi lang talaga ako masasanay sa kagwapuhan niya dahil bawat makikita ko ito, namamangha ako sa dating niya. ”Oh, anong tingin na naman yan? Hinuhubaran mo na yata ako?” sumama ang tingin ko rito dahilan upang matawa siya. “Nagbibiro lang ako, nasaan si lola?” Umismid ako. ”Nasa kwarto.” ”Aalis ba tayo?” ”Itatanong ko muna kung gusto niya, baka kasi pagod ito.” ”Kung ganon, pwede naman tayong mamasyal kung hindi siya sasama. Ibibili na lang natin siya ng pagkain.” muli sinulyapan ko siya, hindi ko sana nais iwan si lola dito dahil kakabalik lang namin. Gusto ko pa munang maglagi sa bahay habang hindi pa ako nagiging abala sa practice. ”And i already have stickers, i brought it yesterday. Alam ko kasi na uuwi ka na, hindi ba't sinabi mong tutulungan mo ako sa pagdidesenyo ng kwarto ko?” Tumaas ang kilay ko. ”Paano naman ang mommy mo?” ”Mommy wasn't home today, may gathering siyang pinuntahan kasama ni daddy.” ”Talaga? Paano ako makakasiguro na wala nga ang mommy mo? Ayokong mag-away uli kayo ng dahil sakin, at alam mong hindi niya magugustuhang makita akong kasama ka.” Napabuntong hininga siya. ”Wala nga siya sa bahay, kahapon pa ito wala.” Hindi ako nagbigay imik sa sinabi niya. Lumabas na rin kasi ng silid si lola na agad kaming nilapitan. ”Narito ka pala hijo?” mabilis na tumayo si ashong upang magmano kay lola. Naupo siya sa tapat namin matapos makapagmano ni ashong. ”Namiss ko po kasi ang apo niyo.” siniko ko siya dahil sa isinagot nito. Ngunit hindi man lang niya iyon ininda bagkus nakangiti pa ito kay lola. ”Madalas naman ng nag-uusap kayo sa cellphone hindi ba?” ”Iba naman po kasi kung sa personal na nakakausap ko siya, nakikita at nahahawakan ko po ang apo n'yo.” Nailing si lola. ”Bakit ang aga mo pala? Hindi ba't araw ng practice ngayon?” ”Umuwi na ho ako pagkatapos ng breaktime, nagtext kasi sakin si winter.” nilingon ko ito, pinanlakihan ko siya ng mata dahil ako pa yata ang sinisisi niya kung bakit halfday lang ito sa ensayo. ”Kasalanan ko pa pala kung bakit tinamad ka?” ginulo niya ang buhok ko. ”Hindi ako tinamad, gusto lang talaga kitang makita. Bukas sisipagin na ako dahil kasama kita roon.” ”Iba ang seat natin, ashong.” ”Pwede naman tayong magtabi, akong bahala.” ”Tsk, huwag kang paladesisyon.” tumayo ako upang putulin na ang usapang iyon. Tinanong ko kung nais niya ng maiinom o miryenda, natural na hindi iyan tatanggi kung ako man ang mag-aalok. Dahil may dala kaming kakanin ni lola mula sa probinsya, inilapag ko iyon sa mesa kasunod ng kapeng nais ni ashong. Muli akong umupo sa tabi nito habang nag-uusap silang dalawa ni lola. ”Hindi kasi ako libre ngayon, darating ang buyer nitong bahay. Baka bago mag tanghalian, narito na siya.” nangunot ang noo ko sa sinabi ni lola. Mukhang niyaya na siya ni ashong lumabas, ngunit iyon ang sinabi niya kung kaya't nagtataka ako. ”Nagmamadali po ba ang buyer?” ”Hindi naman, magbibigay ito ng paunang bayad. Hahatiin niya ang halagang napag-usapan namin para sa pagtransfer ng pangalan nito at upang hindi na gaanong malaki ang babayaran niya sa huli.” Napatango ako. "Kailangan po bang ibenta ang bahay? Sayang naman po.” sang-ayon sana ako sa sinabi ni ashong. Ngunit may pang-gagamitan kasi si lola sa perang makukuha niya rito. Alam niya na humihina na ang flower farm, nababawasan na ang mga turistang dumadayo doon maging ang buyer namin ng bulaklak ay nabawasan na. Balak sanang magtayo ni lola ng maliit na bakery doon sa probinsya, bihasa sa pagmamasa ng tinapay si papa. Si mama naman ay sa pagbabake, tulad ni lola ay marunong rin siya. Sa kanila ko yata natutunan ang lahat paukol sa pag-gawa ng tinapay. ”Sa probinsya na rin naman titira ang apo ko, at itong bahay na 'to. Alaala lang ng asawa ko, nalulungkot lang ako pag narito ako.” Muli ay sumagi na naman sa isip ko si lolo, laking manila kasi si lolo at napadalaw lang sa probinsya ng mga panahong nagkakilala sila. Nagtatrabaho si lolo dito dahil may sarili siyang talyer, ngunit ang talyer na iyon ay naibenta rin ng magkasakit at ma-ospital si lolo sa sakit na cancer. ”Ano pong mangyayari dito sa bahay? Gigibain ba?” tumango si lola sa tanong ni ashong. ”Gagawin itong car wash at volcanizing shop ng bibili, dito lang din siya banda nakatira. Dahil walang gaanong car wash sa lugar na 'to, iyon ang balak niyang ipatayo.” ”Talagang maglalaho na lang itong bahay? Baka mamiss ko ito.” hindi ako nagbigay tugon sa sinabi ni ashong. Kung may sapat na pera lang kami, hindi na mabebenta itong bahay. Hindi ko alam kung bakit nagiging matumal na ang flower farm simula ng tumungo ako dito. Nagbawas na rin ng mga trabahador si mama dahil hindi na nila kaya itong bigyan ng sapat na sweldo. ”Masyado ng mahina ang negosyo sa probinsya, ngunit wala akong balak ipasara at ibenta ang lupain ng flower farm. Kinalakihan ko na iyon at mas maraming magagandang memoryang nabuo roon kesa sa bahay na 'to.” mabigat ang dibdib ko sa sinabing iyon ni lola. Alam ko kung paano niya pinahalagahan ang farm, higit pa sa buhay niya at pawis ang itinaya niya para maging malago ito. At ngayon na unti-unti siyang bumabagsak ay para na rin akong dinudurog, nadudurog na wala man lang magawa dahil wala akong maitutulong sa kanila. Hinintay naming dumating ang nasabing buyer ni lola bago kami magpaalam na umalis. Sinabi niya sa amin na kung nais namin lumabas, kami na lang dalawa. At dahil mabait ang mag-asawang bibili sa bahay at kakilala ko na rin sila. Lumisan din kami matapos ko silang ipaghanda ng miryenda. Gusto ni ashong na dumiretso kami sa bahay nila, excited daw kasi itong ipakita ang mga binili niyang stickers at glow in the dark na stars. Hindi naman na ako tumutol dahil gustong gusto ko talaga ang pagdidesensyo ng silid, at dahil sa kasabikan ni ashong. Nahahawa ako nito sa kanyang saya, dumaan kami sa bilihan ng mga food streets malapit sa kanila. Namiss daw kasi ni ashong na kumain ng streets food kung kaya't bumili siya at ini-uwi namin iyon sa bahay nila. Gaya ng sabi niya, wala nga si mrs falcon ng makapasok kami sa loob. Sinalubong kami ni yaya corazon ng ngayo'y halatang kakatapos lang sa paglilinis. ”Tapos na ang practice niyo?” tumango si ashong. ”Opo, umuwi ba si mommy?” ”Hindi pa, dito ba kayo kakain?” umiling si ashong sa tanong ng matanda. ”May binili na kaming pagkain, kumain na ho kayo.” ”Mamaya na muna, kailangan ko pang pumunta ng pamilihan dahil sa mga bilin ni angelina.” Napangiwi si ashong. ”Madami na naman siyang ini-utos sa inyo?” ”Hindi naman gaanong mabigat, magpapasama ako sa driver.” ”Sure, kailangan mo talagang may kasama. Baka maraming listahan iyan.” Nangiti ang ginang dahil sa concern ni ashong. Nagpaalam itong lilisan na at kung may gusto man daw kami, pumunta na lang kami sa kusina dahil may nakahandang pagkain doon. Tumango na nakangiti ako matapos niyang magpaalam sa akin. Iginaya agad ako ni ashong paakyat sa kanyang silid dahil nagmamadali siyang ipakita ang mga binili niya kahapon. "Ayos lang ba?” tumango ako. Mga mariposang sticker ang ibinili niya na talaga namang hinangaan ko. Mas magaganda ang kanya kesa sa akin dahil mukhang mahal ang mga nabili nito, masyadong expensive ang lalakeng 'to na maging yung mga glow in the dark ay nagsusumigaw ng kagandahan. ”Saan mo nabili ang mga 'yan?” tanong ko, nakatingin sa ibang stickers na inilabas niya. ”Sa mall.” matapos nitong sumagot. May inilabas siyang malaking plastik. Umawang ang bibig ko ng makita ang laman nito habang inilalapag niya iyon sa kama. ”N-nagpaprint ka talaga?” Tumango siya, dalawang malaking pictures iyon na naglalaman ng solo kong litrato at ang isa ay kasama siya. Napalunok ako dahil iniisip ko pa lang na makikita ito ni mrs falcon, umiinit na ang ulo niya. Hindi ko yata kayang idikit ito sa kwarto niya. ”B-baka, pwede mo na lang ilagay yan sa banyo.” nangiwi siya sa suhestyon ko. ”Tsk, bakit sa banyo? Ano iyan, habang naliligo ako tinitingnan kita? Baka hindi lang ako maligo 'non.” sinamaan ko siya ng tingin. ”Huwag mo na lang idikit iyan kung saan, nakakahiya!” ”Kwarto ko ito, winter. Kung ayaw mong idikit, ako na lang mamayang gabi. Pag wala ka na.” napapikit ako bago magpakawala ng mahabang buntong hininga. Hindi na rin ako nagreklamo sa gusto niya. Kung anong nais nito, iyon na lang ang ginawa ko. Kung saan niya gustong ilagay ang mga palamuting ito, hindi na ako tumututol. Maganda naman ang taste niya kung saan ilalatag iyon, kaya halos pagpawisan ako kahit na ang suot ko ngayon ay hindi naman gaanong makapal. Binili ito ni mama sa probinsya pa, isa siyang dress at talagang nagagandahan ako dahil simple lang siya. Pabotones siya sa harapan, kulay krema siya at ang sarap ng kulay niya sa mata. "Kumain na muna tayo.” aniyang awat sa akin habang tinatapos ko ang ilang stars sa gilid. Tumango ako, bumaba ako sa kama at lumapit sa mesa kung saan naroon ang mga pagkain, titikman ko pa lang sana ang itlog na kulay kahel nang biglang matigilan ako sa boses na nagmumula sa labas. Dahil nakabukas ang pinto, malakas ang boses ni mrs angelina na ngayo'y tinatawag ang pangalan ng anak. ”Ashton?” napalunok ako at natulala habang naririnig ang mga yapak ng heels niya. Dahil sa kaba, hindi na ako nakakilos kung hindi lamang ako binuhat ni ashong. Balak sana niyang tumakbo patungong banyo ngunit lumiko siya at binuksan ang making cabinet nito sa gilid. Doon niya ako pinasok habang nagmamadali, maging siya ay tumabi sa akin bago tuluyang isara ang pinto. Sa sobrang laki yata ng cabinet nito, kakasya maging limang tao. Hindi lang ito ang cabinet na narito, may sarili pa siyang closet room sa kabilang pinto kung saan naroon lahat ng gamit at damit niya. ”Are you there?” nasa loob na si mrs angelina dahil dinig na dinig namin ang hakbang niya. Panandalian naging tahimik sa labas dahil halatang napuna niya ang mga stickers na naroon. Napamura ako sa isip dahil mabuti na lang pala ay hindi pa naidikit iyong mga pictures ko. Ang sabi kasi ni ashong, mamayang gabi na lang pag wala ako. ”Ano bang pinag-gagawa ng batang 'yon?” Narinig namin ang yapak niya palabas ng silid, napalunok ako bago niya tawagin si yaya corazon na hangga ngayon ay hindi pa rin dumadating. ”I didn't know she's going home today.” sinamaan ko siya ng tingin, hindi ko akalain na may tataguan akong isang ina dahil ayaw niya sa akin para sa anak niya. Ngunit mas gugustuhin ko ng magtago dito kesa makita niya ako sa kwartong ito, baka ano na lang ang isipin niya at bigla na lang niya akong kaladkarin palabas. "I'm just going to check her.” hinawakan ko ang tshirt niya, umiiling. ”Mamaya na lang, baka galit siya. Mag-away na naman kayo.” hindi siya sumagot, ayokong masaksihan mismo at marinig ng personal ang pagtatalo nila. Alam ko na pag-uusapan na naman nila ako at baka maging dahilan pa iyon ng pagtatalo nila. ”Natatakot ka ba? Hindi ka naman aawayin ni mommy sa harapan ko.” ”Kung ganon pala, bakit mo ako ipinasok dito?” Natawa siya. ”I didn't know what to do, nataranta kasi ako dahil pinagpapawisan ka.” ”Pinagpawisan ako dahil sa ginawa natin, yun yon.” ”Ginawa natin? wala pa naman tayong ginagawa. Idinikit mo lang yung mga stickers.” ”Anong tawag don?” umirap ako, dahil may butas ang cabinet niya. Masisilip ko ang labas ng silid nito, tuluyan ng nakabukas ang pintuan ng kwarto niya. Hindi ko alam kung nasa labas pa si mrs angelina at hinahanap pa rin itong lalakeng ito. ”Pero basang basa ka nga ng pawis, naka aircon naman.” totoo nga na pinagpapawisan ako, idagdag mo pa ang tensyon sa pagdating bigla ni mrs falcon. Muntik na akong atakihin sa puso. “Sinong hindi pagpapawisan kung nakakulong ka dito?” umirap ako, inipon ko ang aking buhok upang itaas iyon. Pinaypayan ko ang sarili ngunit maalinsangan talaga. ”Ibaba mo na yang buhok mo.” nangunot ang noo ko dahil inalis niya ang pagkakaipon nito. Nag-iwas siya ng tingin sa akin habang tumutulo talaga ang pawis ko sa pisngi. ”Naiinitan ako dito sa loob ng cabinet mo, pwede mo naman akong ipasok sa banyo, ashong. Bakit dito pa kasi?” ”Malapit kasi dito, at kung doon pa ako tatakbo. Makikita tayo ni mommy.” ”Kung ganon, bakit mo ako pinagbabawalang ipitin ang buhok ko?” ”Because your neck.” napakurap ako. Dahil sa leeg ko? Napano ang leeg ko. “Your too hot while doing that, ang ganda ng leeg mo!” napalunok ako. Iyon ang rason niya kung bakit niya hinila pababa ang kamay ko. Dati naman niyang nakikita ang leeg ko, anong problema niya? ”We're too close, kanina pa kita gustong halikan sa labas. Kaso ang dami mong ginagawa, then now. I'm tempting to touch you.” Napamaang ang aking bibig. Wala akong masabi dahil deretsuhan talaga ang lumalabas na salita sa bibig niya. Sa labi ko tumama ang mata niya ng sulyapan ako nito ng tingin, kinagat niya ang labi bago mapapikit. ”Hindi naman bawal na halikan kita di 'ba?” wala akong maitugon dahil hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. Siya na rin naman ang lumapit sa akin at ginawa nga ang nais na halikan niya ako. Hinapit nito ang batok ko dahilan upang magkalapit kami ng todo. Napahawak ako sa braso niya dahil ang halik nito ngayon ay tulad noong isang gabi. Mainit na may tamis, nauuhaw na para bang sabik sa bawat parte ng labi ko. Isinandal niya akong muli at umiba ng angulo ang kanyang ulo. Sa lambot ng labi nito, mapapatugon ka sa bawat kilos ng halik niya sakin. Para bang wala lang lahat ang nangyari kanina at nabura iyon sa isip ko. Kinapos ang aking paghinga sa kanyang halik, nagawa niyang humiwalay sa akin upang bigyan ako ng hangin. Ngunit ang labi niya, sadyang paborito nitong baybayin ang aking leeg. Hindi ko alam na kung sa pawis ba ako naiinitan o sadyang kay init lamang talaga ng katawan ni ashong. Hindi ko akalain na maglilikha ako ng daing sa paglapat ng labi nito sa gitnang leeg ko. Kakaiba ang haplos niya sa buong katawan ko, nadadala ako at para wala sa sariling nagugustuhan bawat galaw ng kanyang kamay at labi. Hinawakan nito ang ibabaw ng butones ko upang mabuksan iyon. Kasabay ng pagbukas ng isang butones, ay ang siyang pagbaba ng labi niya roon. Sunod-sunod na kinalas niya ang parteng ibaba ng butones ko hangga sa mangalahati ang hubad sa aking katawan. Napadaing ako sa paghalik niya sa aking kaliwang dibdib, humigpit ang hawak ko sa braso nitong namamawis at unti-unti ngang nadadala na ako sa ginagawa niya. Basa ng pawis ang buong katawan ko, ngunit ang ginagawa niya sakin ay hindi iniinda ang init na nararamdaman ko sa loob ng cabinet. "Dvmn, baby. Your gorgeous.” napalunok ako ng magtama ang aming mga mata. Kakaiba ang mapupungay na mata ni ashong na lalong nagpapadarang ng init sa aking katawan. Kinagat niya ang labi at muli'y tinitigan ang kalahati ng aking katawan. Alam kong namumula ako ngayon, ngunit wala akong ginagawang pag-angal kahit na muli niya akong hinalikan. Sa pagkakataong ito, alam kong nasa ibang senaryo na kami kung magpapatuloy pa ito. Ngunit bakit ganito ang buong sistema ko, nagugustuhan ko lahat ng ginagawa niya. Walang reklamo o pagtutol ang buong parte ng katawan ko maging ng haplusin nito ang pang-ibabang parte ng p********e ko. Literal na namilog ang aking mata, akala ko may hangganan lahat ng ginagawa niya. Ngunit may mas hihigit pa pala sa kakaibang pakiramdam na mararanansan ko. ”Basang basa ka nga, hindi lang pawis.” iyon ang bulong niya na mas lalong nagpapikit sa akin. *********** to be continued.... Ohmygosh ashong niyo di na nakatiis. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD