Chapter 12
Winter Pov.
(Fight for love)
KINABUKASAN....
TINULUNGAN kong tumungo si lola sa puntod ni lolo upang bisitahin ito. Kaarawan ngayon ni lolo kung kaya't nagdala kami ng pancit palabok doon. Si lola mismo ang nagluto dahil kung minsan ay limitado lang ang pancit na may roon nito sa manila.
Karamihan ay hindi nagugustuhan ni lola ang pagkakaluto nito kung bibili kami sa labas. Kung kaya't siya na mismo ang nagluto kaninang maaga upang hindi kami abutin ng tanghali dito sa sementeryo.
“Mahaba na masyado ang ibinigay na araw sa atin ng buyer..” hindi ako nakasagot sa inusal ni lola. Mahigit dalawang buwan na kaming hindi pa umaalis sa bahay kung saan may iba ng nagmamay-ari nito. Naka-impake na kami ngunit ang resulta lang ng board exam ang aming hinihintay. Ngunit dahil iyon nga ang nangyari, bigla'y nawalan na ako ng gana.
Nakapag-pasya na rin akong tumungo na ng probinsya sa susunod na linggo. Siguro'y saka na ako susubok muli, magpapahinga muna ako at maghihintay ng susunod na taon upang makapag-exam muli..
“Sa susunod na linggo po, baka pwede na tayong umalis..” mataman kung tumingin sa akin si lola. Tila ba tinitimbang niya ang reaksyon ko sa aking sinabi. Sa totoo lang, malaki ang aking pagkakabigo. Ngunit wala naman na din akong magagawa kung iyon ang nangyari.
“Sigurado ka ba sa desisyon 'mong iyan?”
Tumango ako kay lola. “Sa susunod na taon na lamang ho, la. Siguro naman magiging maayos na po iyon.”
Bumuntong hininga si lola habang nakatingin sa akin. Kalaunan ay tumango ito at muling tumingin sa pangalan ni lolo.
“Paano naman na ang nobyo mo'ng si philip?” panandalian akong natigilan sa tanong ni lola. Iniisip ko naman na si ashong kung sakaling aalis kami, ngunit sa tingin ko. Mas mabuting malayo na muna ako sa kanya dahil masyado na itong nakadepende sa akin. Pansin ko iyon sa mga nagdaang araw, tila ba kaya nitong bumagsak huwag lang akong mawala. Kahit mawala na sa kanya ang lahat basta nasa tabi lang niya ako ay okay lang siya.
Pero ayoko 'non.
Ayokong nagkakaganon siya ng dahil sa akin.
Ayokong hinahayaan niyang bumaba ang sarili niya dahil lamang sa pagmamahal na ibinibigay nito sakin. Nakakalimutan na nito ang sarili niya, ultimong pamilya at pangarap nito'y hindi na niya iniisip. Para bang nasa isip lamang nito ay ang pagmamahalang meron kami, at ang future na mangyayari sa amin.
“Maiintindihan naman po siguro ni philip iyon, at saka ho. Nagkakagulo sila ng magulang niya ng dahil sakin, gusto ko na po sanang sukuan si philip ang kaso nga lang ho naaawa ako sa kanya...” tumango si lola sa sinabi ko.
“Alam ko ang nangyayari sa inyo kahit hindi ka magsabi. Kilala kita sa tuwing may problema ka, pero alam ko naman na matatag ka. Malalagpasan mo rin ang lahat ng iyan, sa ngayon kailangan mo lang munang magtiis.”
“Sa tingin niyo po ba magiging maayos pa rin kami ni mrs falcon? Hindi po talaga niya ako nagugustuhan, may iba ho siyang babae na natitipuhan para kay philip..”
“Kung ikaw rin naman ang pinipili ng anak niya, huwag mo dapat ipangamba ang bagay na iyon. Basta't nasa iyo ang puso ni philip, hindi ka matatalo..” nagbaba ako ng tingin. Alam kong mahal na mahal ako ni ashong, sa sobrang pagmamahal nito sakin. Umaabot na sa puntong sinasagot at kinakalaban na niya ang kanyang magulang. Hindi ko sana nais kunsintihin ang pagmamahalan namin ngunit anong magagawa ko? Mahal ko na rin si ashong at siya lang halos ang nagbibigay lakas sa akin. Para bang kay hirap bumuo ng desisyon kung alam kong masasaktan siya.
Hindi ako sumagot kundi ngumiti ako at marahang tumango kay lola.
“Abalahin mo muna ang sarili mo sa probinsya. Tulad na lamang ng dati mo'ng ginagawa noon, saka mo muna pagtuunan ng pansin ang pagtuturo.”
“Iyon nga po muna ang gagawin ko..”
Hindi na nasundan pa ang pag-uusap namin tungkol kay ashong. Alam naman na ni lola ang nararamdaman ko, kung kaya't minabuti na lamang niyang ibahin ang usapan. Lumipas ang alas nuebe ng umaga, halos isang oras na kaming naroon ng biglang may dumating na bisita si lolo. May dala siyang basket na naglalaman ng bulaklak, may hawak din itong dalawang malalaking kandila na para kay lolo.
Ngumiti ito ng makita kami bago ito mabilis na magmano kay lola.
“Magandang umaga po.” nagmano si calix kay lola dahilan upang makita ko ang magandang ngiti sa labi ni lola. Tiyak na natutuwa ito dahil muli niyang nasilayan si calix matapos ng mahabang panahon na hindi nito pagbibisita sa bahay. “Mabuti at naabutan ko pa po kayo dito..” inilapag ni calix ang dalang bulaklak bago maupo sa harapan ng puntod ni lolo. Hindi gaanong mainit sa pwesto namin dahil may malaking puno sa gilid. Nasisilungan ang lugar namin kaya't malaya kaming nakakaupo sa pamamagitan ng dala naming malaking tela.
“Naaalala mo pa pala ang kaarawan ng lolo mo.” tumango si calix. Sinindihan nito ang dalawang kandila matapos niyang muling balingan ng tingin si lola.
“Ngayon ko na lamang nga ho nabisita si lolo, masyado akong naging busy sa graduation at negosyo. Pero ngayon, maluwag-luwag ang schedule ko.” sinulyapan ako ni calix bago ngitian, naupo ito sa tabi ko dahilan upang alukin ko siya ng dala naming pagkain.
“Si lola ba ang nagluto niyan?” tumango ako, bahagyang nakangiti.
“Hinandan talaga ito ni lola para sa kaarawan ni lolo.”
“Siguradong masarap 'yan dahil si lola perla ang nagluto, titikman ko ang pancit.” binigyan ko ito ng plato at tinidor upang makakuha siya ng sariling pagkain. Naikwento ni lola ang tungkol sa pag-alis namin dahil nga ibinenta na nito ang bahay dito sa manila.
Nagulat si calix sa nalaman at hindi niya inaasahang mangyayari iyon. “Wala na akong naging balita sa inyo, maging itong pagbenta ninyo sa bahay ay ngayon ko lang nalaman.”
“Kailangan na namin kasing lumuwas ng probinsya. Nagiging matumal na ang benta ng farm at iilan na lamang ang mga toristang bumibisita roon.” iyon ang siyang isinagot ko kay calix, natahimik na kasi si lola dahil nga sa tuwing iyon ang pinag-uusapan ay tikom lamang ang kanyang bibig.
“Sino ba ang nakabili ng bahay?”
“Ka-village lang natin sila, magtatayo raw sila ng car wash at machine shop doon.”
“What? Hindi ba masyadong maliit ang espasyo ng lupa kung iyon ang itatayo nila?” nagkibit balikat ako.
“Hindi ko alam, malaking pera rin kasi ang ibinayad nila samin. Kaya't pumayag na kami kesa mapunta naman sa iba ang lupa.”
Napabuntong hininga si calix. “Okay, maybe this week. Uuwi rin ako ng probinsya. Baka magbabakasyon muna ako bago magtake ng board exam, hindi pa ba kayo sasabay sakin?”
Mabilis na tumingin ako kay lola upang tingnan kung anong naging reaksyon nito. Ngumiti ito bago tumango kay calix ng lingunin din siya nito.
“Mas mainam nga kung sumabay na lang din kami sa'yo, hijo. Marami rin kasi kaming mga bagahe, iniisip nga namin iyon ng apo ko noong isang araw.” tumango si calix.
“Yung SUV na ang gagamitin ko pauwi doon, para 'yung mga gamit na nais niyong dalhin ay madala niyo. Sayang rin naman kasi kung maiiwan lang din dito, baka itapon lang nila iyon..”
“Ang mga ilang gamit namin maiiwan na talaga dito, kasama iyon sa binili ng buyer. Ang mga importanteng gamit lang ang dadalhin namin.”
Muli ay tumango si calix, may sinabi pa ito paukol sa bahay rin nila sa village na baka ibebenta na rin iyon ng mommy niya. Balak kasi ng mommy ni calix na lumipat ng bagong bahay, iyong malapit lang sana daw sa kanilang bar. Ang kaso nga lang ay wala pa silang nakikitang buyer dahil medyo may kataasan ang kanilang presyo.
Nagtataka nga ako dahil agad nabili ang bahay at lupa namin. At ang presyong meron sila ay hindi basta basta, para bang doble pa ang kanilang binayad kesa sa orihinal na presyo.
PASADO alas diyes na ng umuwi kami, hindi nais umabot ni lola doon ng mga bandang alas onse dahil medyo mainit na sa lugar na iyon pag tanghali na.
Ang kotse ni calix ang sinakyan namin pauwi, sumama pa muna ito sa amin kung saan naisipan niya munang mag-stay sa bahay. Gaya ng inaasahan niya, nakahanda na ang lahat ng gamit namin at ang mga damit namin ay nakapaloob na sa mga maleta. Noong huling linggo pa namin inayos ni lola ang mga gamit dahil na rin balak na naming lumuwas. Nakausap ko na si ashong noon tungkol dito at ayos lang naman sa kanya na umuwi na ako dahil kaya naman daw niyang magbiyahe upang makita ako.
Hindi ako nagbigay sagot doon ng sabihin niya iyon sa akin. Hindi kasi ako sang-ayon sa sinabi niya, paano na lang pala kung makahanap siya ng trabaho at maging full time ito, kaya ba niyang isakripisyo ang oras niya makita lang ako? Ngunit dahil kilala ko na si ashohg, tiyak na gagawin niya nga iyon. Kahit masira ito sa trabaho makapagbiyahe lang, gagawin niya. Ang tigas tigas pa naman ng ulo ni ashong kung minsan.
“I already saw the LET exam results yesterday, hindi ka ba nagtake?” natigilan ako sa tanong ni calix. Nasa sala na kami habang si lola ay nagtungo ng banyo dahil nais daw nitong maligo. Nag-iwas ako ng tingin bago tumayo upang tanungin ito kung nais niya ng maiinom, tumango lang siya kaya't agaran na akong umalis sa harapan niya.
Matapos kong pumasok ng kusina, doon ako huminga ng malalim. Ayoko ng sabihin kay calix ang nangyari dahil tiyak na si ashong lang ang sisisihin nito. Kilala ko siya, sasabihin lang niya sa akin na hindi nakakabuti sakin si ashong dahil nga nabigo ako.
“Wen..” natinag ako ng marinig bigla ang boses ni calix sa likuran. Hindi ko siya nilingon kahit na alam kong lumapit na siya sakin. “Alam kong nagtake ka ng exam. Nasabi mo sakin na after graduation, iyon ang uunahin mo dahil sabik ka'ng maging guro. Huwag mo ng itago pa sa'kin, wala naman na din akong sasabihin sayi tungkol doon.” bumuntong hininga ako, tuluyan ko na siyang hinarap kung saan sa mismong mata ko ito tiningnan. Dahil matagal akong nakasama ni calix at talaga namang kilala na niya ako, hindi na ako makakapagtago ng sikreto sa kanya. At saka pa, siya ang unang lalake na nakaalam ng nais ko. Kaya't kahit anong gawin ko, malalaman pa rin niya talaga iyon kahit hindi ko sabihin.
“May ibang pagkakataon pa naman, wen. Pagsubok lamang 'yan, magiging maayos rin ang lahat sa susunod.” tumango ako.
“Hindi ko lang sana nais sabihin sa'yo dahil alam kong sesermonan mo lang ako dahil sa nangyayari sa'min. Pero kahit anong tago ko, malalaman mo rin naman..” maging siya'y bumuntong hininga.
“Alam ko naman na naapektuhan ka kay philip, kahit sabihin ko na stress ka sa kanya. Wala din naman ng kwenta iyon, alam kong mahal mo si philip, kaya't susuportahan ko na lamang kayo. Ang sakin lang, huwag mo sanang solohin lahat, masakit kung lahat ng sakit kinikimkim mo. Dahil sa oras na mapuno ka, ikaw rin ang mahihirapan..” nagbaba ako ng tingin bago kagatin ang aking labi. Sa ngayon, kaya ko pa naman tiisin ang lahat. Alam kong magiging maayos rin kami at mawawala rin lahat ng balakid saking isip.
“Kaibigan mo pa rin naman ako, wen. Handa pa naman akong makinig sa lahat ng saloobin mo, kaya ko pa naman maging panyo upang punasan ang mga luha mo. Tawagan mo lang ako, agad akong dadating.” ngumiti ako kay calix, siguro nga hindi kami tinadhana para sa isa't isa dahil sa kadahilanang kaibigan lamang talaga ang role nito sa buhay ko.
Siguro nga may darating talaga na taong magpapa-ibig sayo ng buo. Aakuin lahat ng responsibilidad maging masaya ka lang, at ang sa akin. Natagpuan ko na, si ashong iyon. Alam kong siya na, siya lang ang gusto ko.
“Ang swerte ni philip sayo, wen. Kaya mong iwasan lahat, kaya mong dedmahin ang mga bagay na nagpapasakit sayo. Kaya mong i-handle lahat, hindi ka pa rin nagbabago hangga ngayon..”
“Iyon naman na kasi ang tama, cal. Kaya iyon ang gagawin ko lalo na sa sitwasyon namin ngayon, alam kong may katapusan rin ang lahat ng ito, hindi naman habang buhay na malungkot kami, kaya't nagtitiwala ako sa pagmamahalang meron kami ni ashong..”
Tumango si calix bago haplusin ang buhok ko. “Yeah, your right. Everything will be okay..” ngumiti ako, alam kong hinayaan na ni calix ang nangyari noon sa pagitan namin ni ashong at mrs angelina. Alam kong sinusuportahan na niya ako dahil nga mahal ko talaga si ashong.
Niyakap niya ako upang mas lalong palakasin pa ang aking loob. Nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya habang hinahagod nito ang likuran ko. Ngunit ilang segundo lang din ng makarinig ako ng tinig sa likuran ni calix, mabilis akong humiwalay sa kanya upang tingnan ang babae na bigla'y sumulpot lang sa kusina namin.
“Ito ba ang ginagawa mo habang hindi ka nakikita ng anak ko?” natigilan ako at hindi makapagsalita habang nakatingin kay mrs angelina. Hindi ko malaman kung bakit bigla ay narito siya ngayon, hindi ko rin inaasahan na bigla siyang susulpot dahil nga alam kong hindi darating ang isang tulad niya dito sa bahay.
Ngumisi siya ng hindi ako makapagsalita, bumaling ito kay calix na may dismayadong tingin bago ibalik ang paningin sakin. “Sinasabi ko na nga ba, nakatago lang din ang maitin mong budhi sa loob. Wala kang pinagkaiba sa nanay mong malan/di!” namilog ang mata ko dahil sa sinabing iyon ni mrs angelina. Para bang hindi kinaya ng buong sistema ko ang narinig at biglang naputol ang kaonting pasensya ko na iniipon sa kanya.
“Bawiin niyo ho ang sinabi ninyo! Hindi ganon ang mama ko! Hinding hindi!” natawa siya habang hinahawakan na ako ngayon ni calix.
“Tsk, i don't need your words, villapania. Atleast, napatunayan ko na talaga kung ano ang gusto mo sa anak ko. And now, you can already leave this house..” nangunot ang noo ko dahil sa sinabing iyon ni mrs angelina, bago pa muling masundan ang sasabihin nito ay sumulpot na si lola sa likuran niya habang nagtataka kung bakit nga ba narito si mrs angelina.
“Anong ginagawa mo dito, angelina?” nilingon siya ni mrs falcon na walang bahid na ngiti sa mukha. Seryoso lang at wala kahit na anong emosyon.
“Kayo pala ferlicida..” tumayo ng tuwid si mrs angelina bago tuluyang humarap kay lola. “Narito lang ako upang paalisin kayo dito sa bahay, sobra na ang dalawang buwan na binigay sayo ng tauhan ko, hindi ko na nagugustuhan ang pag-aabuso ninyo...” napamaang ako sa narinig. Tuluyang nagulo ang buong sistema ko dahil sa biglaan sinabi niya. Bago pa muling magsalita si lola, dumating na ang mag-asawa na siyang nakausap namin tungkol sa pagbebenta nitong bahay.
“Siya po ang amo ko, siya ang bumili ng bahay at lupang pagmamay-ari ninyo...” natawa ako dahil sa sinabi ng lalake. Hindi ko lubos isipin na mangyayari ito at siya mismo ang bibili ng bahay na iniingatan ni lola sa loob ng mahabang taon. Hindi nakapagsalita si lola ngunit alam kong masama ang loob niya dahil sa nalaman ngayon, kung ano ang nararamdaman ko. Mas lamang ngayon ang sakit na meron si lola dahil sa ginawang ito ni mrs angelina.
“Kaya't nandito ako ngayon upang paalisin na kayo, gigibain na itong bahay bukas at kailangan wala na lahat ng basura ninyo dito..”
“Hindi! Ibabalik ko ang pera ninyo! Hindi na namin ipagbibili ang bahay!”
“Winter!” bigla'y inawat ako ni lola dahil sa sinabi ko. “Umalis na tayo, kunin mo na ang mga gamit natin sa itaas.”
“P-pero lola..”
“Sundin mo na lang ang sinabi ko.” lumingon siya kay calix. “Tulungan mo ang apo ko, ilabas na ninyo lahat ng gamit sa silid..”
Hinawakan na ni calix ang kamay ko at mabilis na hinila paalis sa harapan ni angelina. Hindi halos ako makapaniwala na ganito kami aalis sa tinuring naming bahay. Para kaming isang hayop na itinaboy at itatapon lamang dahil wala na kaming karapatan.
Nahahabag ang damdamin ko kay lola habang nilalabas lahat ni calix ang gamit namin. Inilapag niya lahat iyon sa harapan ng bahay kung saan nanonood lang si lola sa pagbubuhat ni calix.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ng tuluyang matapos si calix, nakataas ang kilay sa amin ni mrs angelina kung saan palapit ito sa aming kinatatayuan.
“Kung kulang pa ang perang binayad ko, sabihin niyo lang. Daragdagan ko iyon, magkano ba ang gusto ninyo?”
“Sayo na lamang ang pera mo, angelina..” iyon ang siyang isinagot ni lola sa kabila ng pananahimik niya kanina pa. “Ipunin mo lahat ng pera mo, baka sakaling makabili ka ng mabuting asal at bumango naman iyang ugaling meron ka, masyado ka ng nangangamoy...”
Napamaang ako sa sinabi ni lola, maging si calix ay nagulat dahil hindi niya inaasahang lalabas iyon sa bibig ni lola perla.
Para tuloy akong nalalamin dahil nakita ko bigla ang ugali ko kay lola.
Wala akong masabi kundi deserve ni mrs angelina na makatanggap ng maanghang na salita mula sa lola ko.
*********
to be continued....