Chapter 14

2953 Words
(Blaiming Herself) Chapter 14 Third Person Pov. Lumipas ang buong gabing iyon na hindi pa rin nagigising si lola perla. Dumating ang mga magulang ni winter mga bandang alas nuebe na ng gabi. Kasama pa rin ni winter si calix at ang mommy nitong si leonore. Dumating din ang daddy ni calix na naging kaantabay ng dalaga. Nagpasalamat ang magulang ni winter dahil sa pananatili ng pamilyang montemayor sa tabi ng kanilang anak at ni lola perla. Maayos naman na ang naging resulta ng bloodcem ni lola perla. Medyo bumaba na rin ang blood pressure nito dahil sa gamot na ibinigay ng doctor kanina. Ang kaso lang, hindi pa nagigising ang matanda buhat kaninang madala ito sa ospital. Iyon ang pinag-aalala ng mga taong nakabantay rito kahit na sinabi ng doctor na maayos lamang ang naging test nito kanina. "Kumain na ba kayo?" ngumiti si leonore bago umiling sa tanong ni elena. "Mamaya na, nag-utos ako ng kasambahay na maghanda ng makakain. Kukunin iyon ni calix mamaya.." ngumiti si elena sa sinabing iyon ni leonore. "Maraming salamat talaga sa tulong niyo, leonore. Hindi ko akalain na si angelina pala ang nakabili ng lumang bahay.." bumuntong hininga si leonore. Nasabi kasi ni winter ang nangyari kanina ng magtungo sila sa mansyon nila ni calix, nabanggit niya iyon sa kanyang ama't ina kaya ganito na lamang ang kanilang pagkakadismaya. "Nabigla nga ako sa nalaman kanina, hindi naman sa binubuksan ko ang nangyari sa nakaraan. Ngayon ko lang nalaman na nagkaroon pala ng relasyon si henry at angelina?" marahan na tumango si elena. "Mas naunang naging nobyo ni henry si angelina. Ngunit naging madalang na lamang noon ang pagdalaw niya sa probinsya dahil nga abala ito sa pag-aaral, buong akala ko naghiwalay na sila. Hindi ko alam na may relasyon pa sila noon ng manligaw sakin si henry.." "Pero bakit hangga ngayon nagkakaganito pa rin siya? May galit pa rin ba sa inyo si angelina?" nagkibit balikat si elena, nasa isang sofa sila sa gilid kung saan malapit lamang iyon sa kama ni lola perla. Si winter ay nakaupo sa gilid ng kanyang lola habang hinahaplos nito ang kamay ng matanda. Si calix ay kausap ang kanyang ama tungkol sa abogadong mag-aayos sa kasulatan ng bahay at lupang naipagbili nila winter kay angelina. "May relasyon kasi si winter at ang anak niyang unico hijo, iyon ang ikinagagalit niya. Hindi nagugustuhan ni angelina ang anak ko para sa anak niya..." natawa si leonore dahil sa sinabing dahilan ni elena kung bakit ba hindi nagugustuhan ni angelina si winter. "Hindi niya ba kilala si winter? Kung ako nga, gustong gusto kong maging daughter in law ang anak mo. Ngunit alam naman na natin ang nangyari sa kanila ni calix, pero hindi naman iyon dahilan upang kamuhian niya ng husto si winter. Masyado siyang nagiging masama." "Hindi ko pa nakakausap ang anak ko, marami na rin kasi siyang problema. Siguro, i-uuwi ko na muna si winter sa probinsya.." mabilis na tumango si leonore dahil sa sinabing iyon ni elena. "Tama lamang ang desisyon mo, alam mo. Kung mahal talaga ng lalakeng 'yon si winter. Susundan niya ito sa probinsya at hahayaan niya ang mga magulang niya dito!" "Ayoko rin naman mangyari iyon, leonore. Kilala ko na si angelina, hindi siya papayag na pumaroon ang anak nito kasama namin. Lalo na't nag-iisang anak lamang niya iyon, hindi niya hahayaang magsama sila. Kaya't mas mabuting huwag na lamang nilang ituloy ang kanilang relasyon.." hindi nakasagot si leonore sa sinabing iyon ni elena. Nilingon na lamang niya si winter na ngayo'y nakatulog na sa gilid ng kama habang nakaupo. Nakayuko lamang siya dahil na rin hinihintay nitong magising ang kanyang lola. Pagod na pagod ang kaisipan nito dahil sa nangyari, walang tumatakbong maayos sa isip nito kundi halos blanko lamang iyon dahil ang nais lamang niya ay maging maayos na ang kalagayan ng kanyang lola. Lumapit si calix sa dalawang ginang upang magpaalam na uuwi muna upang kunin ang pagkain. Sakto rin naman ang pagpasok ni henry na may dalang inumin na nabili lamang doon sa canteen. Nagpaalam si calix sa tito nitong si henry bago tuluyang lumabas, naiwan ang mag-asawa doon maging ang mga magulang ni calix upang hintayin ang pag-gising ng matanda. Napag-usapan nila ang tungkol sa bayarin sa ospital at nasabi ni leonore na silang bahala sa gastos. Ngunit nahihiyang tanggapin ni elena ang tulong mula sa kaibigan, hindi ito pumayag na akuhin lahat nila ang gastos kahit na alam nilang medyo may kamahalan sa ospital kung nasaan sila. May pera naman na silang dinadala, kahit na medyo mahina ang kita sa farm. May naitatabi naman na silang ipon upang mailabas kung sakaling may emergency. MATAPOS ng pag-uusap nilang iyon, dumaan lamang ang kalahating oras ng magbigay hudyat ang matanda na gigising ito. Pumaling ang ulo ng matanda dahilan upang malingat si winter sa pagkakatulog. Biglang gumalaw ang kamay nito kung kaya't lumapit ang mag-asawang si elena at henry sa matanda. "M-mama?" mapupungay ang mata ng matanda matapos nitong magmulat. Kinikilala pa muna niya ang mga nasa harapan nito bago ito tuluyang kumurap. Dahil nga nagkaroon ito ng heart attack, medyo hindi maayos ang lagay ng matanda. Ang kaliwang pisngi nito ay para bang tumatabangi hangga sa gilid ng labi niya, para bang nagkaroon ito ng mild stroke at hindi masyadong klaro ang nailabas niyang salita. "Tatawag lang saglit ako ng doctor.." lumabas si leonore upang tumungo sa nurse station. Sinabi nito sa mga nurse na nagising na ang pasyente kung kaya't tinawagan nila ang doctor na tumitingin sa matanda. Ilang minuto lang ang lumipas ng bumaba ang doctor upang puntahan si lola perla. Agad niya itong sinuri bago kamustahin kung anong lagay niya, hindi masyadong naigagalaw ng matanda ang isang kamay nito na para bang namamanhid daw iyon at walang pakiramdam. Sinubukang pisilin ng doctor ang kaliwang braso nito ngunit hindi nagbigay reaksyon ang matanda. Sinabi ng doctor na nagkaroon ng mild stroke ang matanda sa kalahating katawan nito dahil sa nangyaring heart attack nito kanina. Nais rin ng doctor na ipa-CT scan ang matanda na agad namang pinahintulutan ng pamilya villapania. "Kung ano po ang makakabuti kay mama, gawin niyo po. Gusto kong malaman lahat ng test result niya.." ngumiti ang doctor sa sinabing iyon ni elena. "Maayos naman na lahat ng test niya kanina, madadaanan naman na ito sa gamot at huwag kayong masyadong mag-alala. Mild lang naman ang stroke ni nanay, ang bilin ko lang sana ay bawasan muna ang stress nito dahil iyon ang mas lalong delikado.." Tumango si elena sa sinabi ng doctor, nawawalan naman ng imik si winter dahil hindi nito nagugustuhan ang nangyayari sa lola niya. Sa kabila ng pananahimik nito, sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit narito ngayon ang lola niya. Siya lahat ang may kasalanan dahil mas pinairal nito ang puso niya. Dinala si lola perla sa CT scan room. Ilang minuto siyang naroon bago muli itong ilipat sa kanyang private room. Nasabi ng doctor na ilang oras bago malaman ang resulta, nais makumpirma ng doctor kung wala bang naapektuhan sa ulo ng matanda upang tuluyan na itong makapagbigay ng ilang gamot at malaman rin nila kung bakit na-mild stroke ito ngayon. Sa oras na lumipas, pilit nilang kinakausap ang matanda upang malaman nila kung anong nararamdaman nito. Ngunit hindi tulad dati, tahimik lamang ngayon si lola perla at bukod tanging pag-iling lamang ang kanyang ginagawa. Nakabalik na si calix ng oras na 'yon, ngunit hindi rin naman na kumain si winter dahil nawawalan siya ng gana. Hindi rin naman na maaaring kumain si lola perla ng matitigas na pagkain kung kaya't ibinili na lamang siya ni calix ng lugaw. Si winter na mismo ang nagpakain sa matanda ngunit hindi rin naman na naubos nito ang pagkain. Muling bumalik si pagtulog si lola perla na tila ba nawawalan pa ng lakas, hindi malaman ni winter kung bakit biglaan ang pananamlay ng matanda. Iniisip nito na baka masyado talagang naapektuhan ang kanyang lola dahil sa nangyari. Hindi na rin naman na nais magtanong ni winter dahil nasabi ng doctor na iwasan muna ang stress sa matanda. Walang ibang ginawa si winter kung hindi bantayan na lamang ito. Nagpaalam na rin naman na ang pamilya ni calix na kailangan na nilang umalis dahil may aasikasuhin pa sila. Lumipas ang gabing iyon na natutulog lamang ang matanda, naiwan si calix sa ospital upang may makatulong sila kung sakaling nais nila ng mauutusan. Nalaman din nila ng gabing iyon ang resulta ng CT scan na nagbigay kaginhawaan sa kanila. Maayos naman na ang resulta at sa susunod na araw ay maaari ng lumabas si lola perla. Wala naman ng ibang masamang nakita sa ilang test kanina kundi na-stress lamang ang matanda at masyado nitong dinibdib ang nangyari. Bilin ng doctor, iwasan na muna sa ngayon ang pasamain ang loob ng matanda. Kailangan nito ng payapang paligid at hindi na maaari pang masundan ang pangyayaring ito dahil magiging delikado na sa susunod. KINABUKASAN.... Walang maayos na tulog ang dalaga buong magdamag dahil sa pagbabantay nito sa kanyang lola. Maaga siyang nagising na sinundan ng mga kasamahan niya, nagpaalam ito saglit na bibili lamang ng makakain ni lola perla dahil ang mga libreng pagkain na binibigay ng ospital ay hindi naman na makakain ng matanda. Tinulungan siya ni calix tumungo ng canteen, nag-order din na apat na kape ang binata para sa magulang ni winter at sa kanilang dalawa. Ramdam ni calix na wala sa kundisyon ang kaibigan, kilala na niya ito dahil sa bawat emosyong pinapakita ni winter ay nababasa iyon ng kaibigan. "Are you blaiming yourself?" iyon ang nainatanong ng binata habang nakaupo sila sa isang pwesto. Hinihintay nila ang kanilang order kung kaya't nagkaroon ng pagkakataong magtanong ang binata. Nag-iwas ng tingin si winter bago bumuntong hininga. "Sino pa ba ang sisisihin sa nangyari kay lola, calix? Ako naman na talaga ang may kasalanan.." mataman na tiningnan siya ng kaibigan dahil sa sinabi niyang iyon. Kung ganon, tama ang nasa isip ni calix kung bakit ganito katahimik ang dalaga. "Wala naman ng dapat sisisihin sa nangyari kay lola, we don't want this. Kung alam mo lang na mangyayari ito, paniguradong iiwasan mo rin naman. Ngunit wala tayong alam, aksidente at hindi natin inaasahan.." marahas na umiling si winter. "Siguradong matagal na ang sama ng loob ni lola, noong tumungo si angelina sa bahay namin upang insultihin ang mga magulang ko. Maging ang paghadlang nito sa relasyon namin ni philip, lahat ng 'yon ay siguradong kinikimkim niya. Hindi ko lamang napapansin dahil mas pinapaboran ko ang relasyon namin ni philip, nagkamali ako..." Bumuntong hininga si calix. Hindi nito inaalis ang paningin sa dalaga at nais pa rin nitong sabihin na hindi ito ang may kasalanan. "Wala pa rin may kasalanan sa nangyari, hindi natin ito gusto. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo dahil maayos naman na si lola.." "Hindi ko lang maiwasan, naguguluhan na ako. Hindi na ako makapag-isip ng maayos, sumasakit lahat ng parteng meron ako, emosyon at buong pagkatao. H-hindi ko na alam ang gagawin..." hinawakan ni calix ang kamay nito bago bigyan ng magandang ngiti ang dalaga. "Huwag kang panghinaan ng loob, winter. Malalagpasan mo rin ito, uuwi rin tayo ni lola sa tahanan natin. Magiging maayos rin muli tayo at babalik sa dati ang buhay natin.." hindi nakasagot sa winter sa sinabing iyon ni calix, tila ba nagflashback lahat sa kanya ang nangyari simula ng makilala nito si philip. Ano ba ang magandang naidulot sa kanya ng binata? Noong una silang nagkita ay hindi na sila magkasundo, halos maging aso't pusa sila kung tutuusin. Ngunit paano nagkaganito? Sadya bang dumating lang si philip sa buhay niya para bigyan siya ng pagsubok? Ngunit alam naman ng dalaga kung gaano kalaki ang naging puwang ni philip sa puso niya. Dahil pinaparamdam ng binata ang pagmamahal nito sa dalaga, maging ang pag-aalaga at pagaalala nito. Hindi maitatanggi ni winter na talaga namang napamahal na sa kanya si philip. "H-hindi ko na alam kung paano i-ibabalik ang buhay ko sa dati, cal. Marami ng nangyari. Marami ng tumatak sa isip ko, s-siguro ang magagawa ko lang ay ang mag-umpisang muli, ang buuin muli ang sarili ko...." Desidido na si winter na layuan si philip, nakapagpasya na ito at kahit ano pa ang mangyari ay makipaghihiwalay na siya sa binata. Hindi siguro sila ang itinadhana, kung darating man ang panahon na magkita silang muli. Doon malalaman ni winter kung sila talaga, ngunit kung hindi. Sadyang isang pagsubok lang si philip sa buhay niya, isang karanasan na kailanman ay hindi na maaalis sa isip nito. Nakatatak na sa puso niya ang lahat at maski lumayo siya, hindi niya ito makakalimutan. BUMALIK sila sa silid matapos nilang makuha ang kanilang in-order. Nakagising na si lola perla kung kaya't nagmamadali si winter na lumapit sa matanda. "K-kumusta na po kayo l-la?" tipid na ngumiti ang matanda bago tumango. "A-ayos l-lang..." mahina ang tinig ni lola perla maging ang pananatili nito ay hindi maayos. Medyo kibit ang labi niya dahil sa tinamo nito kahapon. "W-wala po ba kayong n-nararamdaman m-masakit?" umiling ang matanda. Nasa kabilang banda ang magulang ni winter na natapos na rin tanungin si lola perla. Ngunit hindi lang mapakali si winter dahil nakikita nitong matamlay ang lola niya. "M-mag-almusal na po k-kayo, i-ibinili ko kayo ng lugaw.." muli lamang tumango ang matanda. Inabutan ni calix ng kape ang magulan ni winter bago ilapag ang kape ng dalaga sa gilid ng mesa. May mga pagkain din na binili si calix para sa mag-asawa. Ngunit hindi rin naman na nagalaw iyon dahil bukod tanging kape lamang ang kanilang ininom. Matapos pakain ni winter si lola perla, nagpaalam ang mga magulang nito na aasikasuhin na muna nila ang philhealth ng kanilang ina. Nasabi kasi ng doctor na maaari ng lumabas ang matanda bukas dahil maayos naman na lahat ng test. Bibigyan rin ng maintenance na gamot si lola perla at ilan pang gamot na kailangan niyang inumin. "A-ang p-pera..." lumapit ng todo si winter sa lola nito ng makitang may sasabihin ang matanda sa kanya. "K-kunin m-mo n-na n-ngayon, i-ikaw a-ang m-magbayad n-ng b-bill d-dito s-sa o-ospital...." umusog si calix sa kama dahil medyo narinig nito ang sinabi ni lola perla. "Hindi po, lola. Kami na po ang bahala sa bayarin dito. Huwag na po.." umiling ang matanda sa sinabing iyon ni calix. "H-hindi a-apo..." sinenyasan na lamang ni winter ang kaibigan na para bang sinasabi nitong hayaan na ang desisyon ng kanilang lola. Bumuntong hininga si calix bago tumango. "M-mamaya po, hihintayin lamang po namin si mama." ngumiti ang matanda, maging si elena naman ay ganoon rin ang nais nito. Hindi niya gustong akuin lahat ni leonore ang bill dahil may pera naman na silang hinahawakan. Ang kaso lang, ang perang iyon ay para sana sa paparating na deliver sa susunod na buwan. Ngunit dahil nasabi ni winter na gagamitin muna nila ang perang ikinita nila sa bahay, hindi na nagbigay sagot ang magulang nito. Alam kasi nila kung saan ipupundar ni lola perla ang pera. Ngunit sa kundisyon nito, matatagalan pa bago mangyari iyon. Ang magpatayo ng bakeshop. ISANG ORAS matapos nilang maasikaso ang papel. Ang sabi din ng doctor ay bukas pa lalabas ang bill nito ngunit nabawasan naman na ang bayarin nila dahil senior citizen na si lola perla at may philhealth na rin ito. Ngunit dahil mahal ang bayarin sa ospital na iyon maging ang silid na kinaroroonan nila, magbabayad pa rin sila ng malaki. Nasabi ng dalaga sa kanyang ina na nais ng kunin ni lola perla ang pera sa ATM nito ngayon. Iyon daw ang gagamitin nilang pang-gastos hangga sa magbiyahe na sila pauwi ng probindya. Malaking halaga din naman na ang perang iyon, doble pa nga sa presyong binigay nila sa mag-asawa nakausap nila na hindi nila alam na tauhan pala ni angelina. Nagagalit din si winter sa mag-asawang iyon, malamang na nabayaran sila ng malaki kung kaya't ipinasa nila kay angelina ang titulo ng lupa. "Pwede naman natin mabawi ang bahay ninyo sa mommy ni philip, tumawag na ako ng abogado.." umiling si winter sa sinabing iyon ni calix. "Huwag na, ayoko ng makausap pa si mrs falcon. Ayoko na rin madagdagan pa ang iniisip ni lola, hayaan na lang natin sa kanila ang lupa. Tutal iyon rin naman ang nais ni lola, ang mapagbili ang bahay na 'yon..." hindi na sumagot si calix dahil sa sinabing iyon ni winter. Kilala naman niya rin ang kaibigan sa desisyon niyang ito. Hindi na niya ito mapipigilan kung kaya't wala na rin itong sinabi. Bumaba sila sa isang ATM Machine upang i-check na muna nila ang perang naroroon. Nasa gilid si calix habang pinapanood ang pagkilos ng dalaga. Ngunit ilang beses na sinubukan ni winter i-check ang balance nito dahil sa kadahilanang walang halaga na nakapaloob roon. Nagtataka si calix kung bakit ganoon ang nangyari sa balance na nakasulat sa machine, nilingon nito si winter na may mabibigat na paghinga dahil alam nitong may kinalaman na naman si angelina sa bagay na ito. "Bakit ang baba lamang ng halagang iyan?" Muling kinuha ni winter ang ATM bago iyon ibulsa. Masama na ang awra nito dahil sumusobra na ang ginagawa ni angelina. Kumuyom ang kamao nito bago lingunin si calix. "Pumunta tayo sa mansyon ni mrs falcon ngayon.." "Wait? Seryoso ka ba? Bakit siya ang pupuntahan natin?" "Hindi nila inilagay dito ang buong kabayaran ng bahay at lupa, pekeng resibo ang ipinakita nila samin ng huli kaming magkita ng mag-asawang iyon, kailangan kong makausap si mrs angelina. Sumusobra na siya..." *********** To be continued. Tama nga iyan winter, lusubin mo ang matandang iyon at ng makita niya ang hinahanap niya HAHAHA, Cheret. Ano kayang mangyayari? Magkikita kaya sila ni philip?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD