Ang Nakaraang pag ibig Chapter 34 Winter Pov. “Anong pinag-usapan niyo ni reese?” nakasimangot si grace ng itanong ko iyon. Base sa kanyang reaksyon, mukhang hindi naging maganda ang kanilang pag-uusap ukol sa nangyari kagabi. “Wala iyon, sa akin na lang. Ayoko na lang alalahanin, naiinis ako..” Nangunot ang noo ko. “May naging kasunduan ba kayo?” “Oo meron, pero huwag mo na lang alamin. Siguradong maiinis ka lang rin..” Bumuntong hininga ako dahil sa sinabi niyang iyon. Wala akong ideya kung tungkol saan ang napag-usapan nila ngunit hindi niya iyon nais ipaalam. Gusto ko man magtanong ngunit baka pribado na iyon at tiyak ng hindi niya ako sasagutin. “Nasaan na nga pala iyong ex mo?” umaayos ako ng pagkakahiga matapos niyang matanong si philip. May tumawag kasi sa kanya kanina sa c

