ILANG buwan na din ako mula nang magsimula akong mamahala sa mga negosyo ni mommy. Next year ay mag-enroll na ako sa ikalawa kong kurso. Next year ay magkikita na naman kami. Napa buntong-hininga na lang ako, dahil kahit anong pilit ko sa sarili na kalimutan si Clyde ay di ko magawa.
Nagsisimula na din ako sa pagde-date ng mga prospect suitor ko. Para lang talaga mabaling sa iba ang atensyon ko. Pero lagi akong bigo. Yes, tumatanggap ako ng manliligaw. Ginagawa ko ito, sa dalawang dahilan. Una para makalimutan ko si CJ. Pangalawa, para itigil nila mommy ang kasal namin ni Kent. Baka pag may ipapakilala ako sa kanila na boyfriend ko tigilan na nila ako.
Abala ako sa pagpirma ng mga papeles ng pumasok ang sekretarya ko. Nginitian niya ako at inilapag ng isang invitation card.
"Ano iyan?" tanong ko dito.
"Invitation Card."
"I know para saan?" tanong kong muli.
"Para daw sa anniversarry ni Mr and Mrs Montecalvo." Umalis na ang sekretarya ko matapos nitong ilapag ang invitation. Ayaw mo mang pumunta ay alam kong ini-expect ni mommy na nandoon ako.
Kaya kahit na maaga pa ay umuwi na ako. Dahil maghahanda pa ako. Mga 9 pm ang start ng party kaya I need to go there in time. Nagpaalam na ako kay Jerlyn, ang sekretarya ko.
Nasa basement ako nang mamataan si Clyde. Naninigarilyo ito, akala ko tumigil na ito sa bisyo nito. Pero bakit ang hot nitong tignan. Paano ko makakalimutan ang lalaking ito kung panay ang pakita nito sa akin. Panay ang sunod nito sa akin.
"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Nasa harapan na niya ako, agad nitong itinapon ang sigarilyo nito ng makita ako. Tumaas ang kilay ko.
"I thought you would stop smoking!" sambit ko.
"Minsan lang naman," mababang tinig na saad nito.
"Ano nga ang ginagawa mo dito?" tanong kong ulit dito, hindi kasi nito sinagot ang una kung tanong.
"Sinusundo ka."
"No need Clyde. Si Eli na lang ang sunduin mo," walang ganang sambit ko dito.
Nang lingunin ko ito ay para bang umusli ang labi nito. Is he smiling?
Umiling-iling na lang ako. Pumasok ako sa sasakyan ko, binuhay ko ang makina at pinatakbo ko na ito. Tumingin ako sa rear mirror, nakita ko si Clyde na sumusunod sa sasakyan ko.
He also know where my condo is. Minsan na kasi nito akong sinundan, kaya natuntun nito kung saan ang condo ko. Nagparking ako at bumaba. Alam kong nakasunod sa akin si Clyde at pinagwalang bahala ko na lang iyon.
Napatigil ako ng makitang nakatayo si Max sa harapan ng pinto nang condo ko, si Max ay isa sa masugid kong manliligaw. Pero ilang beses ko na itong binasted. Pero hindi pa rin ito tumitigil.
"What are you doing here Max?" tanong ko sa lalaki. Naging alerto ako, dahil hindi ko inaasahan na bibisita si Max ngayon.
"Visiting you," ngiting sabi nito sa akin.
"Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na wala kang mapapala sa akin. Pinaintindi ko na iyan sa iyo."
"Give me a chan---."
"Who is he, babe?" malamig na tanong ni Clyde. Di ko namalayan na nasa likuran ko na pala ito. Sobrang dikit ng dibdib nito sa likuran ko.
"Wala," malumanay kong sabi kay Clyde. Nilingon ko ito, nginitian. Sana ay sumabay sa drama ko si Clyde.
"Ginugulo ka ba niya?" tanong nito sa akin. Lumapit ako sa kanya, kaya agad niya akong hinila upang makalapit sa kanya.
"I am sorry Max. Pero hindi talaga pwede." Pinalungkot ko ang boses ko. Para wala ng masabi ang kaharap namin.
"Hindi ako susuko, Sheena. Soon you'll be mine." Umalis na ito sa harapan namin.
Umatras ako para makawala sa hawak ni Clyde. Pero sadyang malakas ito ay di ako makaalis sa yakap nito.
Nagkatinginan kami, at nabigla ako ng halikan niya ako. Di agad ako nakagalaw, dahil sa ginawa niya. Bigla itong huminto sa paghalik sa akin at lumayo nang kaunti.
"Wala na ba?" bulong nitong tanong sa akin.
"Ha?" tangi kong nasabi.
"Wala na ba ang manliligaw mo?" ulit nito sa tinanong nito.
Bigla at sumilip ako sa may balikat nito. Likod na lang ni Max ang nakita ko. Para bang matamblay ang kilos nito. Siguro, dahil natamaan din ito sa akin. Nagtry lang naman ako, baka sakaling siya na. Kaso wala, wala talaga akong maramdaman.
Hinawakan niya ang baywang ko at iginaya ako papasok sa condo ko. Di na ito pumasok.
"Salamat pala." Papasalamat ko dito.
"Sa susunod, wag kang tumanggap ng manliligaw kung di mo kayang panindigan. They have feelings too," sabi nito sa akin.
Yumuko na lang ako. "See you at the party. May susundo sa iyo mamaya."
Nasa banyo ako, nagbababad sa bathtub. 8 pa lang kaya pinapatay ko ang oras sa pamamagitan ng pagbababad sa bathtub.
Nang magsawa ako ay agad akong tumayo at pumasok sa shower room para maalis ang bubble sa katawan ko. Hinahaplos ko ang buo kong katawan. Iniisip ko ang nangyari sa amin ni Clyde ilang months na ang dumaan. Parang kahapon lang iyon nangyari, di ko makalimutan ang bawat haplos at halik ni Clyde sa aking katawan.
Nang matapos akong mag shower at nagtapis ako ng tuwalya at lumabas sa banyo. Kinuha ko ang lotion at ini-apply iyon sa buo kong katawan.
Agad akong nagbihis ng cocktail dress. Di naman gown ang pinadala sa akin ni mommy. Isang maroon cocktail dress na may slit sa gitna ng dibdib. Kaya halos lumuwa ang aking malulusog ng dibdib.
Nag-apply ako ng light make up. Dahil marunong naman ako ay di ko na kailangan na bayad pa ng isang makeup artist. Agad akong lumabas nang matapos ako sa pag makeup. Pumunta ako sa parking lot. Ang sabi ni mommy ng tumawag ito sa akin ay may susundo sa akin.
Di pa man ako nakarating sa parking lot ay naaninag ko na ang family driver namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto nang sasakyan at agad naman akong sumakay.
Binabaybay namin ngayon ang daan papuntang venue ng party. Habang nasa daan ako ay alam kong maabutan ko si Clyde doon. Dahil nga anniversary iyon ng magulang nito.
Di nagtagal ay nakarating na kami sa venue. Isang hotel pala ang pinagdadaosan ng party nito. Akala ko gaya noong naunang party ay sa mansion lang din ng mga ito.
Pero mukhang sa oras na ito ay gusto nilang maiba ang ambience. Agad akong bumaba at pumasok sa entrance. Nakita ako agad ang mga mararangyang tao sa party na ito.
Walang nagpapahuli. Puro magaganda ay magarbo ang mga suot.
"Sheena, hija. Welcome, mabuti at dumating ka," nakangiting bati sa akin ni Tita Shiella.
"Alam n'yo naman si mommy Tita. Kailangan talagang pumunta ako. Baka puntahan niya ako sa condo ko mahirap na."
"Believe din ako sa mommy mo. Napapasunod niya kayo ng ate mo. Sa akin tanging si Clyde lang ang suwail," umiiling na sambit nito.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, na sana ay di ko ginawa. Dahil nag-iba bigla ang mood ko. Magkasama lang naman si Eli at Clyde. Naka-angkla ang kamay ni Eli sa braso ni Clyde. Kaya pala hindi ito ang sumundo sa akin may pinagkakaabalahan pala.
Binalingan ko si Tita Shiella. "Alam nyo naman si mommy, Tita. Sobrang ingay. Naririndi ako."
Dahil may tumawag sa kay Tita Shiella ay iniwan na niya ako. Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad, nagtungo ako sa counter kung nasaan ang mga drinks.
Tinignan ko muli ang gawin ni Clyde nakatingin din pala ito sa akin. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harapan ng counter at nag-order ng ladies drink. Ayaw ko silang tignan muli, dahil nasasaktan lang ako.
Pero wala akong karapatan na masaktan. Ito ang gusto ko kaya dapat panindigan ko. Ilang buwan na lang ay magsisimula na ulit akong mag-aral.
This time ay sa kurso na gusto ko. Noon pa man ay gusto ko nang magturo, pinagbigyan ko lang si mommy sa gusto nito. Kaya ngayong tapos na ako sa kurso na gusto nito ay ang kurso ko naman ang susundin ko this time.
"Kanina ka pa?" bulong na tanong nito.
Bigla ay nanindig ang balahibo ko. Dahil di ko namalayan na sobrang lapit pala nito sa akin. Palinga-linga ako, dahil baka may makakita sa amin.
Lumayo ako sa kanya, para di dumikit ang aking likuran sa dibdib nito.
"Di ba mag-enroll ka next year? Sabay na tayo."
"Clyde, pwede ba tigilan mo na ako. Please lang. Balikan mo na lang si Eli. Ayaw ko ng gulo." Taboy ko sa kanya.
Kailangan ko siya itaboy, dahil di maganda ang nararamdaman ko para sa kanya. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at hindi maganda iyon.
Lumabas ako sa garden na sana ay di ko ginawa dahil nakita ko lang naman si Ate at Kent na naghahalikan. Napangiti ako, dahil alam ko nasa mabuting kamay si Ate Selena.
Di na lang ako tumuloy sa garden sa halip ay bumalik na lang ako sa loob. Pag angat ko ng paningin ko ay nakita ko ang isang terrace kaya pumunta ako doon.
Napatingin ako sa langit. Sobrang ganda ng langit, namumuti ang mga bituin sa pag niningning. Akala ko, wala ng mas gaganda sa gabing ito.
Tumunog ang isang sweet music, nakita ko si Eli at Clyde nagsasayaw. Habang ako ay nandito nag-iisa. Siguro ito na talaga ang kapalaran ko.
NAGISING ako kinabukasan na medyo masakit ang katawan ko, lalo na ang p********e ko. Napalingon ako sa katabi ko. Di ko sukat akalain na naibigay ko ulit ang aking sarili kay Clyde.
Tumayo ako at nagbihis. Aalis na ako, bago pa ito magising. Lumabas agad ako sa kwartong iyon ng matapos akong magbihis. Akala ko di na ako makakaalis doon. Mabuti na lang at di nagising si Clyde.
Nasa hotel pa rin pala ako. Dahil wala akong sasakyan ay nagpara ako taxi para ihatid ako sa condo ko. Kailangan kong makaalis agad sa lugar na iyon, bago ako maabutan ni Clyde.
Paano ko maiiwasan ng tuluyan si Clyde kung ito ang patuloy na lumalapit sa akin. Siguro ay dapat akong lumipat ng ibang branch, iyong malayo dito. Iyong malayo kay Clyde. Babalik na lang ako dito pag pasukan na.
Kaya pinaayos ko sa sekretarya ang lahat ng kailangan, para mailipat ako sa ibang branch, kahit na mahirap ay kakayanin ko. Manager kasi ako sa isang branch ng clothing company ni mommy. Gusto ni mommy na ako ang mamahala na ng negosyo nito, kaso hindi muna ako pumayag.
Dahil nga mag-aaral pa ako. Alam ng lahat na anak ako ng may-ari. Nakarating ako sa condo ko at agad na naligo, pagkatapos kong maligo ay nagcheck ako ng email. Napatingin ako sa email na iyon.
Umawang ang labi ko at tinignan ng malungkot ang laptop ko, bukas ay malilipat na ako ng branch. Bukas ay aalis na ako sa lugar na ito at sa Cebu ako made-destino. Siguro, okay na din ito. Kahit saan basta malayo kay Clyde.
Para talaga makalimutan ko na siya ng tuluyan. Para mawala na siya ng tuluyan sa systema ko. Baka doon ay makakita ako ng papalit kay Clyde sa puso ko. Baka doon ay mahahanap ko ang true love ko.
Clyde is my first love na di pwedeng maging akin. Kung siguro di lang malayo ang agwat ng edad namin ay baka pwede pa. Baka pwede pa na maging kami, ayaw kong mahusgahan ng mga tao, ayaw ko din mapahiya ang pamilya ko, lalo na ang pamilya nito.
Dahil bukas na ang alis ko ay kailangan ko ng maghanda. Bukas pa naman ng gabi, ay dapat ko ng paghandaan. Dahil papasok pa ako sa opisina mamaya para maiayos ang lahat ng maiiwan ko.
Agad akong pumasok sa opisina, busy ang lahat, dahil nga nabalitaan nila na aalis na ako bukas.
"Jerlyn, if ever na may nagtanong kung saan ako pumunta. Please lang, wag mong sabihin." Kumunot ang noo nito.
"May iniiwasan ka?" tanong nito sa akin. Agad akong umiwas ng tingin dito.
"Oo, ay ito ng makakabuti sa aming dalawa," wala sa sarili kong sambit.
Mabuti na lang talaga ay di pumunta si Clyde sa opisina ko ng araw na iyon. Kinabukasan ng gabi ang flight ko papuntang cebu.
Nasa airport na ako. Tinignan ko muli ang lugar kung saan ako isinilang. Babalik ako, at sa pagbabalik ko ay iba na ang Sheena na makikita at makikilala ninyo.
Iiwan ko sa lugar na ito ang puso ko. Kahit na nadudurog ako ng paulit-ulit na masasaktan ay kakayanin ko. Para din sa amin ito, sa akin. Sana sa pagbalik ko ay wala ng Clyde Jay 'CJ' Montecalvo na nasa puso ko.