NAPAHILAMOS ako sa aking mukha ng halos ayaw tumigil ni Jeff sa kakalakad pabalik-balik. "Nadidiri ako sa titig ng babaeng iyon, Sheena!" impit na sigaw ni Jeff. Umiling-iling ba lang ako, dahil lumalabas talaga ang pagiging bakla ng lalaking ito. "Just ewww, nakakadiri talaga!" sigaw nitong muli. Baka pag nalaman nito ang ginawa ko, mas lalong magwala ito. Kaya pinakalma ko muna ang bakla na ito. Umupo ito sa visitor chair at nakatingin sa akin, nandoon pa rin sa mga mata nito ang pandidiri. "Alam mo naman na tinignan ka na pala ng ganun di ka pa lumabas." "Alangan naman, lalabas na sana ako nang siya namang pasok nag babaeng iyon!" galit nitong sabi sa akin. "May kasalanan din ako sa iyo," mahina kong sambit. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya o hindi. Tumaas ang ki

