Chapter 43 "Sam ba't ayaw mong kumain? Lalamig 'yang sinandok ko sa'yo." tanong ni Gian na natigil sa maganang pagkain nang mapansing nakatitig na pala ako sa kanya nang hindi ko namamalayan. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ay punyemas! Kahit naman kasi kumakain siya ang gwapo pa rin! Nakakamay pa ang loko dahil sa dahon kami ng saging kumakain. Halatang hindi siya sanay pero nakipagsabayan pa rin siya. "Susubuan na lang kita. Say ahhh..." malambing na sabi niya at itinapat ang kamay niyang may pagkain sa bibig ko. "A-Ako na!" nahihiyang sabi ko. "Sige ka kapag hindi mo kinain 'to ikaw ang gagawin kong lunch. Uubusin ko lakas mo hanggang sa hindi ka na makalakad." bulong niya kaya naman mabilis pa sa alas kwatrong isinubo ko iyon. Ang harot, eh. Lumipas ang maghapon hanggang sa sum

