Outside the Milky Way Galaxy makikita ang isang stealthy warship. Wala itong ginagawang kahit anong klase ng tunog or disturbance sa paligid. Kaya naman hindi ito agad-agad na makikita nang kong sino-sino. "Warping in T 5 - minus." Sabi ni Great Mind at paglipas ng limang segundo ay agad na nabuo ang isang Warp Portal sa kanilang harapan. Ilang saglit pa napadpad ang Chaser X Warship sa tinatawag na Barred Spiral Galaxy. Parehas ito ng Milky Way Galaxy na isa ding Barred Spiral Galaxy. Tinawag itong ganito dahil sa isa itong spiral o pabilog na Galaxy habang sa gitna nito which is ang central ay merong bar like structure na binubuo ng mga millions of stars. Kaya naman Barred Spiral Galaxy. "Current dark energy is 12 percent." Sabi ni Great Mind. "Find a suitable place to rechar

