"Who can tell me the name of the greatest Human?" Tanong ng isang dalagang teacher habang sa kanyang harapan ay makikita ang mga batang estudyante na nasa edad 8-10. Dito agad na itinaas ng isang batang lalaki ang kanyang kamay at makikita ang excitement sa mukha nito. "Karlo anong sagot mo?" Tanong ng dalagang teacher habang mabilis na tumayo ang batang lalaki at sinabi ang sagot nito. "The greatest human alive is our Earth Federation President!" Sabi ng batang si Karlo habang umiling naman dito ang dalagang babae. "Even though our Earth Federation President is great, hindi siya ang pinakamalakas na taong nabubuhay." Sabi ng dalagang teacher habang agad namang naging curious ang mga bata, kasama na dito ang isang batang lalaki na kapansin-pansing may malaking sword scar sa kanyang

