"Master sisimulan ko na ang camouflage at anti-detection system ng Chaser X." Sabi ni Great Mind. Right now nasa harapan na nila Sol ang isa sa madaming colony na hawak ng God Race. Tinatawag ang colony na ito na Delereth Colony, isang integrated space colony na naka attached sa isang massive planet. Ang massive planet na ito ay 5 times sa laki ng pinakamalaking planeta sa Solar System which is ang Jupiter. Hindi alam ni Sol kong paano ito ginawa ng God Race ngunit nagawa nilang ma integrate ang buong planeta na ito sa kanilang ring colony. Ring colony dahil isang malaking ring like structure ang buong colony na may mahabang straight line structure na parang elevator going straight to the planet. Ang bagay na iyon ang nagkokonekta sa ring colony at sa planeta. Para hindi sila

