"What's that?" Mula sa kalangitan makikita ang sampung maliliwanag na mga bagay. Mabilis ang galaw ng mga ito at lahat ng ito ay patungo sa iisang direksyon. "Meteorite?" "No it's not." "Run!" Sa oras na iyon sa Downtown Washington ang lahat ng mga taong nasa lugar ay agad na nakaramdam ng kakaibang takot. Ang iba sa mga ito ay mabilis na tumakbo, habang ang iba naman ay kinukuhaan ng litrato at video ang nangyayari sa kalangitan. Ilang segundo pa tila isang malakas na bomba na tumama ang mga bagay na ito sa iba't ibang lugar ng America. Mula sa wreckage na binagsakan ng malaking bagay na ito makikita ang isang malaking bilog na bagay. Ilang saglit pa nagbukas ito at lumitaw dito ang isang Orbit Mech Soldiers Company. "Alpha Company successfully landed on Downtown Wash

