"Ying Yang!" Agad na sabi ni Sol habang mabilis namang lumipad si Ying Yang patungo sa pwesto ni Ylona at binalot ito sa puting liwanag. *Roar!* Makikita ang malakas na pagpupumiglas ng Elemental Spectral Diety ngunit dahil sa ultimate spell ni Ylona ay hindi makatakas ang nilalang na ito. Dahil dito mas naging kampante si Sol para gawin ang kanyang plano. Mula sa kanyang kamay agad na nagliwanag ang kanyang spell. Kasunod din nito ay ang pagliwanag ng spell marks na nasa likod ng Elemental Spectral Diety. "You don't have a chance!" Sigaw ni Sol at mas lumakas pa ang liwanag, sa oras na iyon makikita ang malakas na pagtahol ng Elemental Spectral Diety sa habang naka-seal padin ito sa spell ni Ylona. Kapansin-pansin din ang paglitaw ng mas malakas na enerhiya sa katawan nito habang t

