"I'll give you time to contact the others." Sabi ng Titled God at lumitaw sa kamay nito ang isang rapier sword. Ang rapier sword na ito may gintong puting aura at mapapansin na sobrang nipis ng talim nito. Mabilis na lumipad ang Titled God na ito para salubongin ang pwersa ng Dragon Race. Gayunpaman agad napansin nito ang biglang pagbagal ng kanyang katawan at sa isang iglap isang malaking bibig ang kumagat sa ulo nito! *Puchi!* Died! Walang nagawa ang Titled God at namatay lamang ng ganon ka bilis! Nasaksihan ito lahat ng kanyang kasamang Titled God at halos manginig siya sa takot gayunpaman isa padin siyang powerhouse. 'Run!' ito ang nasa isip ng Titled God at mabilis na lumipad papalayo ng lugar, nasaksihan naman ito ng mga Gods na nasa loob ng major city. Hindi nila l

