Pagdating ni Sol sa lugar, agad na nagbago ang situation. "Master!" Sigaw nila Necro ng lumapit si Sol sa mga ito. "Good job guys and now let's clean this up." Sabi ni Sol na tinanguan ng lahat. Sa oras na iyon agad na lumitaw ang napakalakas na devilish green flames ni Necro sa kanyang buong katawan. Dahil dito biglang na boost ang lakas at bilis ng bawat isa sa kanyang Undead Army. "Kill!" Sigaw ni Necro at sa pangunguna ng kanyang limang Undead General ay agad nilang sinugod ang defensive line ng kalaban. Hindi naman nagpahuli ng mga oras na iyon ng mga Summoned ni Sol at directly na lumipad si Armagecrystal Lord sa battlefield habang nakasunod naman dito sila Drake, Berserker, Dawnbringer, Freya at Ignis. Sa oras na iyon imbis na makapagpahinga na ang pwersa ng kalaban ay

