While being awakened agad na nakaramdam si Sol ng kakaibang feelings. Tila ay excited ang buo niyang Summoner World at sa isang iglap pa nga ay bigla itong lumitaw sa harapan ni Sol at nabalot din sa liwanag! Ikinagulat naman ni Mary at ng babaeng Celestial nang biglang lumitaw ang Summoner World ni Sol, they didn't expect na mangyayari ang ganitong klase ng bagay. Sa oras na iyon nagkatitigan ang babaeng Celestial at si Mary. Dito agad na tumango si Mary at isang bagong handsign ang ginawa nito, ilang saglit pa ang kaninang puting liwanag na bumabalot kay Sol at sa Summoner World nito ay naging isang golden light! Once na mangyari ito mas lumakas pa ang enerhiya na pumapasok kay Sol at sa Summoner World nito. Tila ay para namang isang black hole na hinihigop ng Summoner World ni Sol

