"Gather! Pumunta kayo sa inyong formations!" Malakas na sigaw ng commander at buong lakas nitong winasak ang grupo ng mga civilians na may hawak na sandata. Dito nakita niya kung paano pinatay ng grupo na ito ang isa sa kanyang mga sundalo. Mabilis na umiwas ito sa kanyang tagiliran at tumalon ng malayo dahil sa mga oras na iyon, isang palaso ang biglang lumitaw sa dati niyang pwesto. "Gather!" Muli nitong sigaw ngunit sa dami ng mga civilians na nasa lugar, agad na napalibutan ang kanyang mga sundalo. Dahil dito wala na siyang nagawa kung hindi ang umatras kasama ang mga sundalo na nasa kanyang paligid. "Fall back!" Sigaw nito habang mabilis namang umatras ang kanyang mga sundalo. Gayunpaman bawat kanilang atras, isa-isa din silang bumabagsak sa kamay ng mga kalaban. Gayunpaman th

