CHAPTER 71 UNANG BANGAYAN NG DALAWA CATHY's POV: MATAPANG na tingin ang aking pinukol sa binata at hindi ako nagpatalo sa mga titig ni Drake sa akin. Nagawa ko na siyang prangkahin nang sa gano'n ay hindi na siya mag-assume pa na patay na patay ako sa kanya. Baka kasi ito ang isipin niya kaya nagpupumilit ako na mag-stay dito sa mansion. Alam ko kasi na hindi mawala-wala sa isipan niya ang eksenang ginawa ko sa hospital na buong akala nito ay haka-haka lang ang mga sinasabi ko. Pero kung magpapakatotoo lang ako sa aking sarili, siya talaga ang pinaka-rason kung bakit pipiliin ko ang manatili sa mansion. I want him to be mine again. Kaya kahit ano pang selos at sakit ang pwede kong makita't maramdaman ay handa akong harapin ito. Hindi ako aalis hangga't hindi ko naibabalik sa maayos a

