CHAPTER 70 CATHY's POV: TODAY is the day na babalik ako sa mansion. Maluwag na akong makakabalik muli ng Manila na wala na akong iisipin pa na problems sa Probinsya. Napaliwanag ko na kay tatay ang lahat at suportado na nga siya sa kung ano man ang magiging hakbang ko . Ang katunayan n'yan ay siya pa itong tumulak sa akin para huwag sukuan si Drake dahil alam niyang kami rin na dalawa ang masasaktan at maiipit sa isang sitwasyon, kung pareho kaming susuko na lang. At dahil ako raw itong nasa tamang pag-iisip, ay dapat na ako itong gumawa ng paraan para matulungan ang binata. Ang sabi kasi ni itay ay hindi naman daw ito ginusto at hiniling ng fiance ko na magkaroon ng amnesia. Kaya hindi pwedeng mapagod ako kay Drake sa pag-iintindi. Bagkus, kailangan kong lawakan ang aking pang-unawa at

