KING:
Nauna akong nagising kay Eli kaya nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya ng matagal. While I was looking at her I can’t contain the happiness that I feel. Hindi dahil sa kung anong nangyari sa amin kagabi pero dahil siya ang unang nakita ko pagising ko sa umaga. I can’t wait to marry Eli and have more mornings like this with her.
Ayaw ko siyang gisingin pero hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil hinawi ko ang ilang buhok na nakatakip sa mukha niya. Dahil doon nagising siya at dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata.
“Hi.” mahina ang boses niya pero nakangiti niya akong binati.
“Hi. Good morning.”
“Good morning.”
Inabot ng kamay ko ang pisngi niya bago sinabi ang mga salitang nilalaman ng puso ko.
“Mahal na mahal kita Eli. Sobra!”
Nakangiti niya akong sinagot. “Mahal din kita King.”
“I am glad to hear that because a couple of moths ago I was your mortal enemy.” Biro ko.
“Oo nga e. Natatawa nga sa akin si Aki at Aly dahil dati ikaw daw ang taong kinaiinisan ko pero ngayon ikaw na ang dahilan ng mga ngiti ko.”
“I know! Hindi ko nga akalain na aabot tayo sa ganito e. Dati crush lang kita pero ngayon girlfriend na. Baka bukas asawa na kita.”
Sasagot na sana si Eli nang biglang kumatok si Lolo sa pinto ng kwarto para ayain kami ng almusal.
“Sige po pang! Susunod na po kami ni Eli.” sagot ko.
“Sige. Bilisan ninypo at masamang pinaghihintay ang pagkain.” sagot niya.
HINDI na rin kami nagtagal ni Eli sa kwarto at mabilis kaming pumunta sa kusina para saluhan sina Mamang at Papang sa pagkain.
Magkahawak kamay kami ni Eli nang marating namin ang kusina.
“Magandang umaga po!” masayang binati ni Eli si Mamang at Papang.
“Magandang umaga din Hija! Hali na kayo at kumain habang mainit pa ang pagkain.” inaya kami ni Mamang.
Agad kaming umupo sa hapagkainan ni Eli. Pinagsilbihan ko muna si Eli bago ang sarili ko. Nilagyan ko muna ng pagkain ang plato niya bago ako kumuha ng para sa akin.
“Aba! Talagang mahal na mahal ka ni King, Eli. Ikaw muna ang uunahin niya bago ang sarili niya.” tinukso na naman kami ni Papang.
“Oo naman Pang! Mahal na mahal ko ‘yan kaya lahat gagawin ko para sa kanya. At siya lagi ang uunahin ko bago ang sarili ko.” ako na ang sumagot para kay Eli dahil alam kong ngiti lang ang isasagot niya kay Papang.
“Kung ganun e di pakasalan mo na! Baka biglang mag bago ang isip ni Eli at iwanan ka niya. Hindi ka pa naman madaling pakisamahan.” sagot ni Papang.
“Hindi po ako iiwan ni Eli, Pang! She’s mine forever. Hindi niya ako pwedeng iwan. Hindi ako papayag kahit na anong mangyari.” nakangiting sagot ko.
Natawa ang Lolo’t Lola ko sa naging sagot ko.
“E matanong ko lang, kailan niyo ba kasi gustong magpakasal? Gustong-gusto na naming magkaroon ng apo sa tuhod.” si Mamang.
“Whenever she’s ready po Mang. Ako kasi kahit ngayon mismo handa na akong pakasalan siya e. Pero alam kong may mga bagay pa siyang kailangang gawin sa ngayon bago ang kasal. Siya na lang po ang hinihintay ko.” sagot ko.
Simula nang naging kami ni Eli naging kasama na siya sa lahat ng plano ko sa buhay. Katulad ng sinabi ko, I date to marry. When I asked her to be my girlfriend I was honestly planning a future with her. Wala akong panahon sa short time na relasyon kaya isa lang ang goal ko sa buhay. I will marry her and start a family with her. We will manage this farm together and raise our children here. Alam kong masyado nang advance ang naiisip ko pero ito talaga ang gusto kong mangyari.
Marrying her was just my plan but of course everything is still up to her. Siya pa rin naman ang masusunod. Kung saan siya masaya, doon na rin ako.
STAYING at the farm was like a breath of fresh air. It was fun and I really enjoyed spending time with my grandparents. Sandali kaming nakatakas ni Eli sa realidad ng buhay. Doon naging ordinaryong tao ako at malayang kong nahahawakan, nayayakap at nahahalikan si Eli. Walang fans na magagalit at aawyin si Eli dahil boyfriend niya ako. I really wish that we can do that everyday.
“Did you enjoy our little trip?” tanong ko kay Eli.
“Oo naman! Sobra.” sagot niya.
“Are you happy to meet Mamang and Papang?”
“Oo! Sana nga mas nagtagal pa tayo doon e. Gusto ko pa sana silang makasama.” sagot ni Eli.
“I’d like that too. Pero may mga bagay tayong kailangang gawin kaya kailangan nating bumalik sa Maynila. Baka himatayin si Eric pag hindi ako umuwi.”
“Kaya nga e. Tapos ako marami na rin akong kailangang pag-aralan dahil exams na nextweek.”
Malungkot ang boses ni Eli nang sagutin niya ako kaya naisip kong pasayahin siya.
“Tatapusin ko agad ang kantang pinapagawa ni Eric sa akin at ikaw mag-aral ka ng mabuti. Pagkatapos ng exam mo bisitahin ulit natin sila sa farm.”
“Talaga?!”
“Oo! Matatapos na ang semester niyo ‘di ba? After your exams we can stay there for a week. I will finish all my work ahead of time at hihingin ako ng isang linggong bakasyon kay Eric.”
“I like that! Sige, gawin natin ‘yan. Pero pag bumalik tayo doon pwede ba ‘wag na nating pagusapan ang tungkol sa kasal?”
“Bakit? You don’t like it? Wala ba sa plano mo ang pakasalan ako?” tanong ko.
“It’s not that. Pero sa tingin ko kasi masyadong mabilis.” sagot niya.
“Eli it’s not as if we’re getting married tomorrow.” natatawa akong sumagot sa kanya.
“Oo nga. But the way you speak about us getting married parang siguradong-sigurado ka na at parang the marriage thing is going to happen soon.”
“Because it will happen Eli.” sagot ko.
“How sure are you?”
“I have it all planned out.”
“Planned out?”
“Yeah. Hindi ba tatlong taon nalang at matatapos ka na sa medicine?”
“Yes.”
“Before ka makatapos ng medicine aalis na ako sa banda.”
“Bakit?” kunot noo niyang tanong sa akin.
“I’ll start to manage the farm. I will learn everything that I need to learn and I will stabilize the business so that before you graduate we have a place to live in and a stable income. After you graduate we will get married and you don’t need to worry about anything dahil naayos ko na lahat para sa atin.” sagot ko.
“Your serious about getting married, aren’t you?”
“I am.”
“King alam mo namang marami pa akong kailangang gawin pag nakapagtapos na ako ng pag-aaral. May mga kapatid akong kailangang tulungang makatapos ng pag-aaral. Gusto kong stable ang mga magulang ko bago ako magpakasal.” sagot ni Eli.
“Alam ko. Don’t worry about your family because I will make sure na makakapatapos ng pag-aaral ang mga kapatid mo at magkakaroon ng maayos na buhay ang mga magulang mo bago tayo magpakasal.”
“King, ako ang gagawi ng mga bagay na ‘yon para sa kanila.”
“Eli, your family is my family.” sagot ko habang kinukuha ang ATM na nasa bulsa ko.
“What’s this?” tanong niya nang ibigay ko sa kanya ang ATM.
“I saved that money for your parents and siblings. It’s a couple of millions Eli and I hope that’s….”
Hindi ko nagawang tapusin ang sinasabi ko dahil mabilis na ibinalik ni Eli sa akin ang ATM.
“Keep it King and please ‘wag mo nang ibigay ulit sa akin ‘yan. It’s yours and only you can use it. Gamitin mo ‘yan para sa pamilya mo o sa farm niyo. Kargo ko ang pamilya ko at hindi ko gustong ibigay sayo ang responsibilidad ko sa kanila. I can take care of them once I am done with school.”
“Okay.”
Hindi ko na siya pinilit sa gusto ko dahil naririnig ko na sa boses niya ang pagkainis. I don’t want to start a fight with her so I decided to keep my mouth shut.
HALOS gabi na nang narating namin ang condo at parehas kaming pagod ni Eli sa byahe. Ang mga mapanuring mga mata agad ni Jack at Spade ang sumalubong sa amin.
“Saan kayo galing kagabi?” tanong ni Spade.
“Sa farm namin.” sagot ko.
“Doon kayo natulog?” tanong ni Jack.
“Malamang! Kaya nga ngayon lang kami nakauwi e.” sagot ko.
“Sa iisang kwarto kayo natulog?” tanong ni Spade.
“At bakit mo naman tinatanong ‘yan? Kailangan ko bang mag-report sa’yo kung sa iisang kwarto kami natulog ni Eli? Ano ba ang pakialam mo?” tanong ko.
“Kung sa iisang kwarto kayo natulog ibig sabihin may nangyari…”
Hindi na nagawang tapusin ni Jack ang sasabihin niya dahil biglang sumabat sa Ace sa usapan.
“Kung ano man ang ginawa nila kagabi labas na tayo doon. Malaki na sila at alam na nila ang tama sa mali. The important thing is that they’re home at matutuloy ang rehearsal mamaya.”
“Dang! Oo nga pala! May rehearsal na ulit mamaya. I almost forgot kung hindi sinabi ni Ace ay hindi ko pa maalala.” si Spade.
“Oo nga e! Pagod pa nga ako hanggang ngayon dahil sa kakainom namin ni Spade kagabi.” si Jack.
“Buti nga kayo at may pahinga kahit papaano. Ako nga wala e. Pagod na pagod pa rin ako hanggang ngayon.” sagot ko.
Hindi ko alam kung bakit ayon ang mga salitang lumabas sa mga bibig ko. Alam ko naman ang ugali ng mga kaibigan ko at malamang lalagyan nila ng malisya ang sinabi ko.
Sabay-sabay akong tinignan nang tatlong lalaking nasa harap ko. Hindi pa man sila nagsasalita alam ko na ang tumatakbo sa isip nila.
“Bakit wala kang pahinga? I thought you went there to rest?” tanong ni Ace.
“Oo nga. Ano ba kasi ang ginawa mo at napagod ka?” tanong ni Spade.
Umiwas ako ng tingin sa kanila bago ako sumagot.
“Wala. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil mainit sa kwarto namin ni Eli.”
“Aha! Huli ka! Sa iisang kwarto nga kayo natulog kagabi?!” tanong ni Spade.
Dahil parang wala na talaga akong lusot sa mga kaibigan ko naisip ko na lang na iwasan ang mga tanong.
“Bahala nga kayo sa mga buhay niyo.” sagot ko bago hinila si Eli papasok sa kwarto.
HUMINGI agad ako ng tawad kay Eli nang nakapasok kami sa kwarto.
“Okay lang.” sagot niya.
“Hindi ka galit?” tanong ko.
“Hindi. Bakit naman ako magagalit?”
“They might look at you different.” sagot ko.
“They will look at me different kung bigla mo nalang akong iwanan pagkatapos nang nangyari kagabi.” sagot niya.
“That will never happen.” sagot ko.
“Alam ko. May tiwala ako sayo at alam kong hindi ‘yon ang habol mo sa akin. Mahal mo naman ako ‘di ba?” tanong niya.
“Sobra! Mahal na mahal kita.” sagot ko.
“Mahal din kita King.”
I was looking at her when a sudden thought came across my mind. “Why don’t you move in with me?” tanong ko.
“Move in with you? Dito? Sa condo niyo?” tanong niya.
“Not in this exact condo. I was thinking of renting another unit so that we can have our own place.”
“I don’t think that’s necessary.” sagot niya.
“I think it is. When we’re both tired from work and school we can have a place where we can both relax together.”
“Sa tingin ko hindi tayo makakapagpahinga pag nasa iisang bahay tayo. At walang point na bubukod tayo kasi magkasama naman tayo dito sa condo niyo.”
“Oo nga pero iba pa rin talaga pag tayong dalawa lang ang magkasama. It will be an advantage for the both of us. Mas makikilala natin ang isa’t-isa pag magkasama tayo sa iisang bahay. Just consider it as a part of our adjustment stage before getting married.”
“Ang galing mo talagang gumawa ng palusot ‘no?”
“Oo naman! So ano? Will you move in with me?”
“NO! You’re not renting a new place for us. I’ll just move in here. In this condo and in your room.” sagot niya.
That was not my original plan but I think that’s better than not moving in together.
“I can work with that.” sagot ko.
“You have to. Wala ka namang ibang choice e.” sagot niya.
“Well you’re the boss. Ikaw palagi ang masusunod.” sagot ko.
****