KING:
Pagdating namin sa venue sa backstage agad kami pinapunta ni Eric. Nakita kong naroon lahat ng team mula sa makeup artist at stylist namin. Dahil sa dami ng tao bigla kong naisip si Eli kaya inikot ko ang paningin ko para hanapin siya.
“Are you looking for you wife?” pabulong ang tanong ni Spade sa akin.
“Yes. Nakita mo siya?” tanong ko.
“She’s there.” Sagot niya bago tinuro ang kinaruruonan ni Eli. “Someone’s taking care of her so don’t worry about her.” Dagdag niya.
Kinuyom ko ang kamay ko dahil sa selos. Wala naman sanang problema kung naguusap lang sila pero ilang beses na hinawakan ng lalaki ang balikat niya at panay ang ngiti nila sa isa’t-isa.
Lalapitan ko na sana sila pero pinigilan ako ni Spade.
“Relax ka lang. We’re in a public place. Isang pagkakamali mo lang bukas nasa news ka na. Hindi lang ikaw kung hindi pati si Eli.”
Tama ang sinabi niya kaya pinigilan ko ang sarili ko para hindi mapahamak si Eli. Wala naman akong pakialam sa sarili ko. Ilang beses na akong nasa balita pero kahit minsan hindi ako naapektuhan sa mga sinasabi nilang masama tungkol sa akin.
“Damn it!” napamura nalang ako dahil wala akong magawa sa mga ganitong sitwasyon.
“Relax ka lang. Mamaya mo na isipin si Eli.” sagot ni Spade.
“Eli is a head turner pare. Hindi malabo na mapansin siya ng mga lalaki kapag nakasama nila si Eli sa isang kwarto.” sabat ng kakarating lang na si Jack.
Tinitignan ko pa rin ng masama si Eli at ang lalaking kasama niya at dahil wala akong magawa naisip kong tawagin ang manager namin para siya ang gumalaw para sa akin.
“ERIC!” sigaw ko.
Natigilan ang mga taong nasa paligid ko dahil sa lakas ng sigaw ko. Mabilis akong nilapitan ni Eric bago tinanong.
“Anong problema? Why are you shouting?”
“I am going to the dressing room. You bring Eli to me!” pabulong pero may diin ang sagot ko sa kanya.
NAKAPIKIT ang mga mata ako habang nakaupo sa isang sofa dito sa dressing room nang biglang pumasok si Eli kasama si Eric.
“She’s here.”
Nagmulat ako ng mata at tinignan ng masama si Eli. Alam kong nakikita nilang lahat ang inis sa mga mata ko.
“Anong kasalanan ko? Para mo na akong kakainin sa tingin mo!”
“Kakainin talaga kita ng buo kapag hindi ka lalayo sa mga lalaking kumakausap sayo!”
“What?!” kunot noo niyang tanong sa akin.
“You stay away from other guys Eli!”
Sasagot pa sana si Eli pero biglang pumasok si Eric sa dressing room kasama si Ace, Jack at Spade.
“King naririnig kayo sa labas. You can talk about this later when we’re home. Mamaya na kayo magtalo ng girlfriend mo.” saway ni Eric sa akin.
Tinignan siya ni Eli at alam kong gusto niyang itama ang sinabi ni Eric.
“Hindi naman po kami Sir.”
“Ah hindi ba? E bakit selos na selos ‘to kung hindi pala kayo?” tanong ni Eric bago lumabas sa dressing room at iniwan kami sa loob para makapagsimula na kaming mag ayos.
Tinignan ako ni Eli ng masama bago ako pinagalitan.
“King! Ano ba talaga ang problema mo? Kakasimula ko palang ngayon at parang ito na rin ang huli dahil bukas malamang paalisin na ako ni Eric sa trabaho.”
“He will never do that. Magkakaproblema kami kapag inalis ka niya sa paningin ko.”
Humugot ng malalim na buntong hininga si Eli bago ulit ako hinarap.
“Tigilan mo na ‘to!”
“Bakit ba kasi ayaw mo maniwala na gusto kita?!”
“E sira ulo ka pala e! Paano naman mangyayari ‘yon kung sa tuwing magkasama tayo wala ka nang ibang ginawa kung hindi ang asarin ako?!”
“Because you wouldn’t even look at me!”
Nagulat si Eli sa sinabi ko at halata sa mga mata niya hindi niya alam kung ano ang isasagot sa akin.
“You wouldn’t even give me some attention. Lagi kang lumalayo sa akin at ayaw mo akong kausap. So the only way to get your attention is to bother you.”
“Seryoso ka ba talaga?”
“Oo! Seryoso ako. Matagal na kitang gusto. Kahit itanong mo pa kay Jack, Spade at Ace.” sagot ko.
“Alam ni Ace?” tanong ni Eli bago tinignan si Ace.
“Oo! Kaya ‘wag ka nang umasa na magiging kayo dahil hindi ako papayag.”
“Hindi naman ako umaasa e.” nahihiya niyang sagot sakin bago nag iwas nang tingin kay Ace.
“Alam kong may gusto ka kay Ace. I can see how you react whenever he’s near. But here’s the thing. I like you so much that I am not giving up on you. It’s either ako ang pipiliin mo o wala ni isa sa amin ni Ace.” sagot ko.
UMAKYAT na kami sa stage para simulan ang concert. Hindi katulad dati, ngayon hindi na kami kinakabahan sa tuwing aakyat kami ng stage para tumugtog
“Ready?” tanong ko.
“Of course! Excited na akong matapos ‘to and have some rest!” sagot ni Jack.
Halos mabingi kami sa lakas ng sigaw ng mga tao. Marami sa kanila ang sinisigaw ang pangalan ko, ang iba naman pangalan ni Ace, Spade at Jack ang sinisigaw.
“Magandang gabi!” sigaw ko.
Nagsigawan ang mga tao nang narinig ang boses ko.
“Thank you so much for coming here tonight! Is everyone doing great?” tanong ko.
“YES!!” sigaw ng mga tao.
“Awesome! And to start our night here’s our new song From Day One!”
Sinimulan ni Spade ang drums, sinundan ni Ace ng gitara at piano ni Jack at huli kong tinugtog ang gitara bago ko sinimulang kantahin ang kantang ginawa ko.
Kantang ginawa ko para sa isang babaeng mahalaga sa akin. Ang babaeng nilalaman ng puso ko.
HALOS tatlong oras kaming nasa stage dahil may autograph signing pa pagkatapos ng concert. Pagod na pagod kaming apat nang bumalik kami sa backstage. Gusto ko nang makita si Eli at mayakap para kahit paano mapawi naman ang pagod ko.
Pagbaba ko sa stage mabilis akong tumakbo papunta sa dressing room para puntahan si Eli.
“Hi!” masaya ang tono ng boses ko ng binati ko siya.
“Hi.” matabang naman ang naging sagot niya sa akin.
“What’s wrong?” nagaalala kong tanong sa kanya.
“Wala.” sagot niya bago binuhat ang mga gamit namin at nagpaalam kay Eric na mauuna na siya sa van.
“Oh no! Hindi pa nga kayo may LQ na agad?” tukso ni Spade.
“Parang hindi pa nga sila break na agad e.” dagdag pa ni Jack.
“Shut up!” sagot ko bago tinignan si Eric para tanungin kung ano ang nangyari kay Eli. “What happen to her? Bakit siya galit sa akin?”
Tinignan ako ni Eric at kahit hindi niya sabihin alam kong may ginawa siyang mali o may sinabi siyang hindi tama kay Eli.
“Kasi King… parang mali yata ang sinagot ko kay Eli kanina?”
“Anong sinabi mo sa kanya?!”
“Nag tanong kasi siya tungkol sa kanta niyong From Day One. Sinabi ko sa kanya na ikaw ang nagsulat ng kanta. At narinig ko galing kay Jack at Spade na para sa first love mo ‘yong kantang ‘yon. And that’s what I told her.”
“Okay… Tapos ano pa ang sinabi mo sa kanya?” usisa ko sa kanya.
“Tinanong kasi niya sa akin kung sino ang first love mo.”
“At sino ang sinabi mo sa kanya?”
“Sabi ko si… Sab.”
Napapikit nalang ako at humugot ng malalim na buntong hininga nang narinig ko ang sinabi niya.
“Eric! That song was for her! I made it for Eli!”
“Malay ko ba! Ang akala ko kasi kayo ni Sab. Lagi kasi kayong magkadikit dati bago siya pumunta sa America.”
“We’re just friends!”
“Edi sorry!” sagot ni Eric.
BINIGYAN ko muna ng oras si Eli bago ko siya pinuntahan sa van. Gusto ko hindi na mainit ang ulo niya kapag kinausap ko siya para hindi namin pagsisihan ang lahat ng lalabas sa mga bibig namin.
“Hi.” mahinahon ang boses ko nang binati ko siya.
“Hi. Papunta na ba sila?”
“Oo. May mga tinatapos lang si Eric then we’ll go home.”
“Okay.” sagot niya.
“Eli… galit ka ba?” tanong ko sa kanya bago umupo sa tabi niya.
“Hindi.”
“Ah… Ang sabi ni Eric sa akin napagusapan niyo daw ang tungkol sa kanta namin?”
“Ah… wala lang ‘yon. May tinanong lang ako sa kanya.”
Tumango ako at biglang inabot sa kanya ang picture niya noong highschool pa siya. Graduation picture niya iyon na pinakita sa amin ng tatay niya. Nakalimutan ni Kuya Mario kunin sa amin kaya tinago ko.
“Ano ‘to?” tanong niya.
“Picture mo.”
“Alam ko. Bakit nasa iyo ito?”
“Nakalimutan kunin ng tatay mo sa akin ‘yan.”
“Okay. So binabalik mo na sa akin ‘to?”
“No! I want to keep that. But I want you to flip the picture over and read what I wrote there.”
Sinunod niya ang sinabi ko at binasa ang sinulat ko sa likod ng picture niya.
“Ito yung…”
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil ako na ang tumapos sa sasabihin niya. “Lyrics ng kantang From Day One.”
“Bakit dito mo ‘to sinulat?”
“Because I made that song for you.”
“No way King!”
“Eli… trust me when I tell you that I genuinely like you.”
“No! Malabo!”
Ngumiti ako at hinalikan ang noo niya.
“Gusto kita at tapos ang usapan, okay? And thank you for liking me back.”
“Kailan ko sinabi na gusto kita?”
“Kanina nung nagselos ka.”
“Excuse me pero hindi ako nagselos kanina.”
“Stop lying Eli! Everyone saw how you reacted!”
“Hindi nga ako nagselos King! Bakit ako magseselos e wala naman akong karapatang magselos.”
“Edi bibigyan kita ng karapatan! Magselos ka hangga’t gusto mo.”
Humarap si Eli sa akin at tinignan niya ako ng mata sa mata.
“King… ano ba ang gusto mong mangyari?”
“Maging tayo. I want you to be mine. Officially mine.”
“No! Mahirap ‘tong gusto mo King. It will never work.”
“It will! Sumugal ka sa akin Eli! It will work, I will make it work! I promise!”
Hindi na siya sumagot kaya naisipan kong halikan siya sa labi.
“You’re mine Elizabeth Heart.” bulong ko.