PAGKABABA ko ng sasakyan, sinalubong ako ng malamig at sariwang hangin ng Subic. Huminga ako nang malalim, at sa bawat hinga, ramdam kong unti-unting lumalabas ang lahat ng pagod, stress, at bigat na dala ko sa dibdib ko. Pakiramdam ko rin kasama sa paghinga ko ang kaba at excitement na bigla kong naramdaman ngayong narito na ako at magsisimula ng panibagong buhay, sa isang lugar na bago sa akin. This is it! The place I’ll temporarily call home. Napatingin ako sa harap ko, nakatayo doon ang five-storey boutique hotel ng resort. Parang mini hotel lang ito kung ikukumpara sa Beaumont hotel, pero elegante at may class rin ang dating, na may modern tropical vibe. May wood accents na nagbibigay ng warm na pakiramdam, malalawak na glass walls kung saan pumapasok ang natural light, at puting f

