KINAGABIHAN, nagising ako nang makarinig ng sunud-sunod na doorbell. Panay ang pungas ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kaninang hapon habang nanonood ng movie sa n3tflix. Naka-on pa ang TV. Kinuha ko ang remote sa tabi ko at pinatay yun. Nagstretch ako habang nakahiga. Feeling ko narecharge ako. Masama ang pakiramdam ko kagabi pero ngayon ay maayos akong nakapahinga kaya mas mabuti na ang pakiramdam ko, para bang hindi ako nagkasakit. At ang lahat ng ito ay dahil doon sa nag-alaga sa akin. Narinig ko pa ang sunod-sunod na katok ng pinto kasabay ng doorbell. Bumangon na ako sa kama at mabilis na tinungo ang pinto. Napapaisip ako kung sino ang naroon, well isang tao lang naman ang naiisip ko. Hanggang sa tuluyan kong mabuksan ang pinto at makita si Daddy. Feeling ko nadisap

