"Maria...are you really choosing him?” Direktang tanong ni Travis. “Travis… what kind of question is that?” Kunot-noong tanong ni Dad, halatang na-off sa biglang pagbitaw ni Ninong ng ganoong tanong. Mas lalo akong kinabahan. Si Travis, nanatiling nakatitig lang sa akin. Para bang hindi siya aware na may ibang tao sa paligid namin. Na parang hindi mabigat ang binitawan niyang salita at pwede kaming mapahamak. Parang wala na siyang pake. Para bang ako lang ang mundo niya sa mga oras na ’yon at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot. “Grabe naman si Ninong, masyadong overprotective." Natatawang sabat ni Beatriz na gaya ni Dad ay wala ring idea sa nangyayari. Dad laughed lightly. "Should I feel happy na ganyan siya?” Biro niya sabay tawa. Larkin cleared his throat. “Sir, my

