AFTER work. Nagpasya akong sa bahay na lang namin umuwi. Bukod sa pinauuwi ako ni Dad, naisip ko rin si Travis na baka bigla na naman sumulpot sa hotel, lalo't nagbitaw siya ng salita sa akin na hindi pa kami tapos. Napush ko yata siya sa limit niya kaya ganun ang naging reaction niya. Pagkatapos ng meeting kanina, naging busy na siya. Hindi nawawalan ng bisita sa office niya. Nagkakaroon lang ako ng pagkakataong pumasok kapag may documents akong ipapapirma, at ilang minuto lang iyon. Pero kahit ganun kaikli, hindi pa rin nakakaligtas sa akin ang tingin niya. Yung klase ng tingin na kagaya ng sa boardroom, intense, heavy, at halatang sobrang affected. At hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba dahil iyon naman ang gusto ko, ang pahirapan siya, asarin siya at iprovoke siya, para marealize niyan

