habang nag hihintay kami sa labas ng registration office para mag enroll sa school na pinapasukan ko.
sobra akong nainip,sino ba hindi maiinip dito? ang haba ng pila at mainit pa ang panahon.
"freya maupo ka muna diyan hintayin mo ako kasi pipila ako huwag kang aalis huh? naku kung mawala ka malaking problema yun nag kaintindihan ba tayo nak? ang sabi ni mama
"opo ma" ang sagot ko
ilang oras na akong nag hihintay pero matagal parin si mama sobrang inip naako
"freya! huy! tawag saakin ng babae
napalingon ako kasi nga may tumawag sa pangalan ko,
si nana pala yung red shorthair na kaibigan ko since kinder kalaro ko siya palagi hanggang ngayon.
"kanina ka pa diyan, tara laro" ang sabi ni nana
"sige ba basta habu-habulan yung laro natin, kasi yun ang gusto ko?" ang sabi ko
"syempre naman,tara na" sabi ni nana
habang nag hahabulan kami ni nana may mga bata rin katulad ko ang gustong sumali saamin
"pasali ako" sabi ng lalaki
"mukhang masaya yan huh pasali ako!" sabi ng isa pang lalake
"ako rin" sabi ng babae
" sige lahat kayo sasali tara na" ang sabi ko
At nag karoon rin ako ng bagong mga kaibigan,doon ko rin nalaman yung mga pangalan nila, yung babaeng naka twin ponytail brown hair ay si mila, yung lalaking black yung buhok si Denver at yung isa pang lalaking na kakambal pala ni Denver na si Derrick pero medyo shaggy yung buhok Niya may pag ka brown rin.Halos ilang oras rin kami nag lalaro hangang napagod rin kami.
"taympirs muna inom muna ako tubig" sabi ni mila
"ako rin uhaw naako" sabi ni nana
"lets take a break guys, babalik lang kami bye!" sabi ni Denver
Sabay rin umalis ang lahat at kinuha ko yung bag ko na may lunchbag at tubig,dahil may energy pa ako nag lakad lakad muna ako sa plaza pumunta ako sa sulok para kumain doon at uminom ng tubig,
"hahahaha yan ang bagay sayo hampas-lupa!" sabi ng isang batang lalaki
at di ko inaasahan may ingay banda doon sa madilim na sulok,nakita ko yung dalawang lalaki na pinag sisipa yung isang kakawang batang lalaki na kasing edad ko lang na may hawak na chessboard, di ako nag dalawang isip na tulungan yung lalaki.
"itigil niyo yan!" sabi ko
napatigil sila sa ginawa nila at lumingon ang dalawa saakin
"at bakit kami titigil aber?!" sabi ng lalaki
" ok ito tol huh maganda yung batang babae na yan pag tripan nga naten" sabi ng isa pang lalaki
alam kong may masamang balak sila pero di ko sila uurungan syempre
"hindi ako natatakot! kahit mas malaki yung age niyo!" ang sabi ko
"aba ang yabang ng bata na yan huh tignan natin kung hangang saan yung kaya mo.baka isang suntok lang kita mapapaiyak ka nalang at mag sumbong pa sa mama mo hahahahaha!" sabi ng lalaki
habang sinimulan niya ako suntukin pero naka iwas ko,bawat suntok niya iniiwasan ko at mas mabilis pa akong kumilos kaysa sakanya.
"ibang klase pre iniwasan niya yung bawat suntok ko!"sabi ng lalaki habang hinihingal pa
"ang hina mo pre bata lang yang kalaban mo hayaan mo ako naman"
ang sabi ng lalake na may halong pagyayabang.
Kinuha ng lalake ang kutsilyo galing sa kanyang bulsa,pero di ako natatakot.
"lagot ka saakin bata hahahahah" ang sabi ng lalaki
bawat galaw ng lalaki inawasan ko
"pre tulungan mo nga ako dito ang likot niya" sabi ng lalake
Ngayon dalawa na sila,medyo kabado naako, Ngayon ko na lang tapusin baka mas lumalala pa ang mangyari saakin.
At pinag sisipa ko yung dalawa banda sa kanilang maselang bahagi ng malakas.
"aaaaaahhhhh!" sigaw ng lalaki
"araaaaaayyyyy huhuhu ang sakitt!" sigaw pa ng isang lalaki
"tara na pre! ibang klaseng bata yan"
sabi ng lalaki
"di yan bata demonyo yan,tatakas na tayo baka ano pa ang gagawin niya saatin!"sabi ng lalaki
At kumaripas na sila ng takbo.
" hmp! Oo tama yan huwag na kayong bumalik pa!"ang sabi ko
"Wow" sabi ng lalaki
lumingon ako sakanya na may halong ngiti.
"wow ang galing paano mo nagawa yun?" ang tanong ng lalaki
"syempre baka taekwondo at muai Thai champion to!" ang sabi ko.
"sa.. salamat" sabi niya
ngumiti siya saakin,pero ko di ko naisip na nakatitig naako sakanya,ang cute niya kasi puti yung buhok niya, tapos pingkish yung labi, at higit sa lahat green eyes.. emerald green eyes hehe... pero parang familiar siya..
"ok kalang hello?" sabi niya
"ahh sorry,umm may sandwich ako dito!tara share tayo!" Ang sabi ko habang ngumiti.
"pero di pa ako guto.." putol na sabi niya
biglang tumunog yung tiyan niya
"hahahaha dali huwag ka na mahiya!" ang sabi ko