"Ang Kritikal na Pag-iisip at ang Dalawang Magkaibang Plano"
Sa kwentong ito ay sasabihin ni Milu ang tungkol sa anting-anting na dala ni Kaylo nang sila'y natapos kumain.
Kinabukasan na ang unang araw ng pagsasanay ni Kaylo ngunit hindi ito naging madali sa kanya.
Pinapasok nito ni Anghelita pero bumalik sa kanyang isipan ang pagkawala ng kaniyang kapatid.
Pero magsisimula ang kwento rito.
Pinapasok ni Milu si Kaylo sa kanilang bahay.
"Pasok ka na binata. Halika, huwag mo munang isipin ang pagkawala ng iyong kapatid. Isipin mong ligtas siya at walang nangyaring masama sa kanya."
"Hindi po madali eh, importante siya sa buhay ko kahit lagi kaming naglolokohan. Sana ligtas nga siya, gusto ko nang magsanay para matalo ko na ang pinuno nila!"
"Huwag kang magmamadali, binata. Bukas na tayo magsanay. Nakikita kong pagod ka pa papunta rito. Kaya kain muna tayo kasama ang aking mga anak."
"Halika na Kaylo. Kain na tayo, tapos ko na palang lutuin ang pagkain," sabi ni Anghelita.
"Hmm! Naamoy ko mula rito, ate!"
"Ang inihanda ko ay masarap na sinigang."
"SINIGANG NA BAKA BA IYAN?!!!" gulat na sinabi ni Kaylo.
"Ano pa hinihintay natin, kainan na!!!"
Nagpray sila tapos kumain.
"Ang sarap naman ng luto mo Anghelita!"
"Salamat, Kaylo. Hindi na kami nagulat sa inyong pagpunta dahil ikinwento na ni tatay ang lahat," ngiting sabi ni Anghelita.
"Ganon ba. Kaya pala hindi na kayo nagulat."
Pagkatapos non ay nagtinginan silang dalawa.
"Opss, parang iba na ang tinginan niyo ahh. Hmm," sabi ni Milu.
"Hindi po, tinitignan ko lang iyong oras. Gabi na pala."
"Palusot people ka pa kuya, Hehe."
"Tungkol sa pagluluto ng aking anak, ako ang nagturo kay Anghelita kong paano magluto ng sinigang na isa sa mga paborito niya. Hindi naman mahirap turuan dahil willing siyang turuan noon."
"Ah, kaya pala, I think manang-mana po siya sa inyo na magaling ring magluto."
"Of course binata, why not?"
"Ang sarap talaga ng luto ni
Anghelita. I think I.." tumigil si Kaylo sa pananalita at biglang nagsalita si Milu at itinuloy ang sasabihin ni Kaylo.
"I love her?!!!"
"No! I.."
"I court her?!!!"
"No, po, I.."
"I am crushed on her?," sabi ni Iryan.
"TRUTHS!!!" sabi ni Kaylo.
"Teka, wrong grammar ba sinabi mo?" tanong ni Milu.
"Hays, kain nga muna tayo," sabi ni Anghelita na ngumiti at tumingin kay Kaylo.
Noong natapos silang kumain ay nagkwentuhan muna sila.
Nagkwentuhan sila hanggang napansin ni Milu ang anting-anting.
"Ang ganda ng anting-anting mo ah binata. Teka lang muna, hindi iyan anting-anting ah?"
"Anting-anting po ito na bigay sa akin ni Tito Pepe."
"Hahahaha!!!"
Biglang humalakhak si Milu.
"Bakit ka humahalakhak itay? Akala ko baliw kana," birong sabi ni Anghelita.
"Hindi anak, magaling rin si Ginoong Pepe no."
"Bakit naman po? Bigay lang niya ang anting-anting. Pampaswerte raw sa aming paglalakbay dahil matagal pa ang renovation ng kaniyang bahay," sabi ni Kaylo.
"Renovation? Hahah. Ah! kaya pala."
"Hay, naku, nalilito na ako."
"Isipin mong mabuti binata na kaya inirenovate niya ang kanyang bahay ay para umalis kayo sa kanyang bahay at papunta kayo rito tapos biglang sinugod ng anak ng aswang na si Hornoyo si Idran na sanhi ng pagkakatugma ng iyong panaginip."
"Bakit naman niya malalaman ang nilalaman ng aking panaginip?Manghuhula ba siya?"
"Hindi ngunit, wala ka bang narinig na kidlat noong gabi sa bahay nila Pepe?"
"Ah, meron malakas noong huling gabi namin doon. Habang kami'y natutulog. Iyon lang ang naalala ko."
"Ah, meron talaga. Kung dumarating kasi ang nanay ni Pepe na si Aling Ismila ay kumikidlat kapag sa gabi lanh at kapag umaga naman ay napakainit sa kanilang bahay kapag siya ay bibisita. Ang nanay ni Pepe ay isang manghuhula."
"Alam ko po, nakwento na ni ginoong Pepe."
"Ah, alam ko na maaaring dumating si Aling Ismila ng gabing iyon para balaan si Pepe. Alam naman nating manghuhula ang nanay nito. Dumarating lang kasi ang nanay niya kapag mayroon siyang babala na makakasama kay Pepe."
"Napaisip nga si Kaylo.
"Hmm, noong pumunta kami sa daan papuntang mansion ng aswang territory ay may CCTV. Posibleng nag-iisip na ng plano kung paano niya ako masasawi. Diba, ako ang itinakda? Kaya.."
"Kaya ano, binata?"
Pinagtagpi-tagpi ni Kaylo ang mga ideya sa kanyang isipan.
"Ah! Kaya pala habang nanonood at nakikinig ang pinuno na si Supruneyo ay may kutob akong iniutos na nito na dadakipin si Idran o maybe kami ni Hornoyo, kasama na rin si Tito. Kaya kinagabihan pumunta si Aling Ismila para balaan si Pepe. So ano connect ang anting-anting ngayon?"
"Binata! Hindi naman talaga anting-anting iyan. Potion iyan ng poisonous water, it means gamot ng nakakamatay na tubig. Lahat naman ng potions ay galing kay Aling Ismila. So, talagang dumating si Aling Ismila sa kanilang bahay."
"Kung lalaliman pa po natin. Kaya pala nagparenovate si Tito Pepe, dahil ayaw niyang madamay siya sa g**o at nahulaan na nito Aling Ismila kaya agad itong pumunta kay Tito para balaan siya."
"Tama ka binata."
"Kaya pinaalis niya kami at binigyan ng potions. Totoong ngang pampaswerte ito pala ay gamot gaya ng sinabi mo. Kung hindi ako nagkakamali, ang susunod kong kabanata ay sugpuin ang pinuno ng aswang. Walang iba kundi si Supruneyo."
"May tanong ako binata. Pinatay ba ni Hornoyo si Pepe?"
Napaisip si Kaylo sa maganda niyang tanong.
"Hmm, hindi dahil ninong niya si Pepe. Hmm, tsaka dahil mas malapit ang bahay ni Pepe, posibleng doon muna pumunta muna si Hornoyo. At bakit nagparenovate si Tito Pepe? dahil..."
"Malapit mo na yatang makuha ang buong sagot ng katotohanan.."
"Dahil kung hindi ako magkakamali, ang hula ni Aling Ismila ay kapag patuloy pang papatuluyin o makisama si Ginoong Pepe sa amin ay kasama siyang mabibiktima ni Supruneyo. Kaya pinaalis niya kami at binigyan ng potions pasa sa susunod na aming paglalakbay. Alam ko na rin ang silbi ng potion na ito, ang potion na ito ay gamot kapag sakaling natalsikan ako ng poisonous water sa River of Styx kapag kukunin ko ang Gigamagnet."
"Tumpak ganern. You got 100% of Gade. Haha. Alam ko ang mga potion na yan dahil dati na rin akong itinakda at ikaw tagapagmana ko. Sa kasamaang palad, ako'y nabigo kaya ikaw ang papalit sa akin. Kaya naman maghanda ka na bukas para sa iyong pagsasanay dahil malapit nang maganap ang nakita mo sa iyong panaginip. Ang labanan sa pagitan ninyo ni Supruneyo."
"Sige po, pero may ibinigay pang potion si Ginoong Pepe sa kambal ko."
"Ah! Kambal mo pala siya?"
"Opo."
Hmm, tungkol naman sa anting-anting na sinabi mo ay talagang dalawa talaga iyon. Ang isa ay potion of scratch. Ibig sabihin, potion sa kalamot ng aswang."
"Ah, ganon pala. Ibig sabihin kung makakalamutan ng aswang si Idran ay magagamot siya nito?"
"Oo binata."
"Wow naman!"
"Haw! Inaantok na ako, nakakaantok po ang inyong pag-uusap," sabi ni Iryan.
"Pati ako itay pero sa tingin ko ay mahiwaga talaga iyang mga potions. Alam kong magwawagi si Kaylo," ngiting sabi Anghelita kay Kaylo.
"Sige matulog na tayo."
"Saan po pala ako matutulog?" tanong ni Kaylo."
"Binata, matulog ka muna sa kwarto ni Anghelita. Dalawa lang kasi ang kwarto namen. Isa kay anghelita, isa sa amin ni Iryan."
"Ano?!"
Natawa si Anghelita habang nagba-blush.
"Ayaw mo ba Kaylo? Gusto mong matulog sa labas. Malamig doon. Sa kwarto ay mainit at siguradong komportable ka," ngiting sabi ni Anghelita.
"Jackpot to. Haha!"
"Sige Anghelita. Makikitulog ako sa iyong kwarto."
"Mabuti naman kung ganon Kaylo. Akala ko tuloy, matutulog ka na sa labas," sabi ni Anghelita.
"Sige, wala naman kayong gagawing kababalaghan diba Kaylo at Anghelita?" birong sabi ni Milu.
"Anong kababalaghan itay?" tanong ni Anghelita.
"Anong kababalaghan?!" tanong rin ni Kaylo na kunwari'y hindi alam ang kababalaghang sinasabi ni Milu.
"Wala! Magpahinga na tayo!"
"Itay! Una na ako sa ating kwarto," sabi ni Iryan.
Nagreet sila sa isa't-isa ng Goodnight ng isa't-isa.
Sa gabing iyon ay magkatabi si Anghelita at Kaylo sa kwarto ni Anghelita.
Hindi nakatulog si Kaylo dahil sa kaiisip sa kanyang kambal na si Idran at kung ano na ang nangyari sa kanya.
Pero mas lalo siyang hindi nakatulog ng yakapin siya ni Anghelita habang natutulog.
"Ah! Paano na ito?! Yumakap siya sa akin. Akala niya siguro, unan ako. Tsaka ang lambot niya at..."
"Ang likot pala ni Anghelita habang natutulog at ang bango niya."
"Hays, nalalamigan siguro siya."
Kumalas nga siya sa pagyakap ni Anghelita at inilagay niya ang kumot at tinakpan niya ang kalahati ng kanyang katawan."
"Iyan, hindi ka na malalamigan."
Biglang nagsalita si Anghelita ng tulog.
"Uhm, Kaylo."
"Naku, gising ba siya?"
"...Kaylo, sige pa. Yes!..."
"What the..."
Dahil sa salitang iyon ni Anghelita habang natutulog ay nawalan ng malay si Kaylo ng gabing iyon at nakatulog."
9:00 P.M. ng gabi.
Date check: June 10, 2019 at nakapunta na sila sa Aswang Territory.
"Aww, bitawan mo ako, aswang ka!" sigaw ni Idran. Kung saan-saan mo ako itinakbo! Bitawan mo ako!"
"Edi, bitawan."
Binitawan nga ni Hornoyo si Idran.
"Bakit mo ako dinakip at ipinunta dito sa Mansion niyo?!"
"Mag-usap muna tayo."
"Ayaw ko! Ang sama mo! Siguro ipinag-utos nito ng pinuno niyo?"
"Oo, ipinag-utos ito ng tatay kong si Supruneyo kaya mag-usap muna tayo dito sa labas ng pabulong. Diyan sa walang CCTV."
"Ibig sabihin, ikaw si Hornoyo?"
"Oo, paano mo nalaman?"
"Ikinwento ng ninong mo!"
"Oh. Ngayong kilala mo na ako, mag-usap muna tayo!"
"Gusto ko nang umuwi. Che!"
"Kung uuwi ka, sasabihin ko kay itay at pupuksain ka niya!"
"Edi sabihin mo!"
"Sinabi mo eh.
Lumakad papunta sa loob pero...
"Hoy teka lang! Joke lang iyon. Sige, pag-usapan natin. Ano ba iyon? Gusto mo ba ako?
"Huwag ka ngang assuming. Halika rito."
"I'm not born to be your maid. Hmph! Charrot. Punta na ako."
Nag-usap nga silang dalawa.
Pinag-usapan nila ang plano ni Hornoyo sa kanyang tatay kung paano nila matutulungan ang itinakda at kung ano ang gagawin nila para bumagsak nang tuluyan ang kanyang tatay.
"Mag-usap muna tayo dito. Sige, pasok ka. Walang CCTV dito kaya safe."
"Ang laki ng bahay niyo."
Pumasok sila sa mansion at tulog pa ang kanyang tatay.
Kaya pumunta sila sa kwarto ni Hornoyo.
"So, ano pag-uusapan natin."
"Hmmm, magpapakilala muna ako
Ako nga pala si Hornoyo, ang anak ni Supruneyo. Ako'y ay hindi katulad niya na masama, ako ay mabait at huwag kang matakot sa akin dahil hindi kita sasaktan."
"Sinaktan mo na nga ako eh. Tignan mo ang balat ko, nasugatan. Ang talas kasi ng kuko mo."
"Paumanhin kong nascratch ko ang maganda mong balat. Ow, ang ganda naman ng ating-anting mo. Ah! Hindi iyan anting-anting. Iyan ay potion of scratch. Gamitin mo para gumaling ang sagot mo.
"Ah! Ganon ba? Sabi kasi ni Tito Pepe anting-anting tapos pampaswerte pa."
"Haha. Subukan mong ipahid sa balat mong nakalamot ko pero konti lang, 1 mL lang ang dami."
Ipinahid, at unti-unting naghilom ang kanyang sugat.
"Hmmm, naniniwala kana?"
"Woww my gush. Awazing!!! Nawala ang sugat ko. Nagbalik ang makinis kong balat. Ang saya ko."
"Sa ngayon, tulog pa ang aking tatay. Gusto ko sanang sabihin sa iyo na sundin mo ang aking plano para sa ikabubuti ng Balete."
"So, ano ang plano mo?"
"Ganito, habang natutulog pa si tatay. Punta ka doon sa kulungan para kunwari'y nahuli na kita. Dapat wala kang malay tapos huwag mo muna sasabihin sa kanya na nagngangalang Noven dahil nandoon siya sa kulungan. Kunwari'y ang saya mo dahil ligtas si Noven at tapos sabihin mong pakwalan mo kami dito oero don't say bad words."
"Copy, pero omg!. Totoo ngangligtas si Uncle Noven. Pero nasa kulungan lang. Kung malalaman nito ni Kaylo, tiyak ang saya. Pero sa ngayon hays, hindi. Hindi pa oras na malaman niyang nandito siya dahil dinakip mo naman ako."
"Oo, hindi pa ngunit malalaman rin ni Kaylo kapag naglaban na sila ni tatay."
"Omg! Parang nasa loob ako ng pelikula na may maglalaban. Teka lang, si Kaylo sabi mo?"
"Oo bakit? Ngayon mo lang ba alam na si Kaylo ang itinakda?"
"Bakit, siya ba? Bakit nalaman mong siya ang itinakda? Bakit kilala mo siya? Kilala mo rin ba ako?"
"Oo naman, habang may pupuntahan kayong adventure ay pinapanood ko kayo sa CCTV, nalaman ko agad kong ano ang pangalan niyo. Ikaw si Idran ang kambal ni Kaylo. Si Kaylo ang itinakda dahil napanaginipan ni tatay na naglalaban sila sa kanyang panaginip. Kaya ayon siya ang itinakda.
Sa sitwasyong ito ay nagulat si Idran dahil kilala rin pala siya ni Hornoyo na anak ni Supruneyo.
Pero mas nagulat siya ng nalaman ni Idran na si Kaylo ang itinakda.