KABANATA XV: HULING PARTE

712 Words
Dahil sa mga nangyari ay nag-alala tuloy si Milu kung ano na ang nangyari sa kanila. "Ano na kaya ang nangyari sa kanila sa baba?" "Huwag kang mag-alala itay, maayos din ang lahat. Kung nag-aaway sila eh di maingay na sa baba, diba itay?" tanong ni Iryan. "Sana nga anak. Anak pakiayos na natin lahat ng mga gamit, matutulog na tayo mamaya." "Okey po itay." Nag-ayos sila hanggang sila'y bumaba patungo sa sala. Nang nakapunta sila sa kanilang sala ay may tinanong si Milu kay Anghelita. "Nasaan si Kaylo?" "Doon sa labas itay. Medyo malayo ata ang pinuntahan para magpahangin, wala pa kasi siya." "Ay ganon ba, kung gusto mo si Liam anak, wala talaga akong magagawa. Dahil may sarili ka nang desisyon anak. Pupuntahan ko nalang si Kaylo para kausapin." Lumabas si Milu at pinuntahan si Kaylo. "Matutulog na rin po ako ate 8:30 P.M. na kasi." "Teka lang, Iryan. Ano? Sabihin na natin sa kanya ang iyong lihim?" "Okey lang naman, huwag lang kina Kaylo at Milu, nahihihiya ako sa kanila eh," sabi ni Liam. "Anong lihim iyan?" "May gusto akong sabihin sa iyo Iryan." "Ano po iyon ate? Kayo na ba?" "Hindi. Si Liam ay isang bakla kaya hanggang sa kaibigan lang ang status naming dalawa. Kaya huwag mong sasabihin ang iyong nalaman." "Sige ate." Sa kabilang banda naman, si Kaylo ay kinakausap pa rin ang kanyang sarili ngunit hindi na siya malungkot. Pagkatapos, nagkasalubong sila ni Milu at nag-usap sa likod ng kanilang bahay. "Hmm, kunwari'y di ko alam ang nangyari, at uuwi ako ng malungkot kay Tito Milu." "Ah! Kayo po pala Tito Milu." "Ano ang binubulong mo kanina, Kaylo?" Pagkatapos ng tanong ni Milu ay lumabas naman sina Liam, Kaylo at Iryan para hanapin sila Milu at Kaylo hanggang may naririnig sila. "Ahm? Ahm?" "Ano? Ahm? Ahm?" "Sasabihin ko po sa inyo, huwag lang kina Anghelita, Liam at si Iryan." "Bakit nakikita kong para kang masaya? Diba malungkot ka dapat?" "Hindi po, Narinig ko silang nag-usap. Bakla po si Liam at hindi ito gusto ni Anghelita dahil ayaw niyang magkagusto sa may pagkafeminism na lalaki. Kay may chance pa ako." "What? Talaga ba? Sige, sikreto nalang natin." "Anong sikreto?" TENENENENG!! "Huwag na pala binata. Sabihin nalang natin, balik na tayo sa bahay pag-usapan natin ito." Pumunta sila sa loob ng bahay ni Milu. "Alam mo namang bakla si Liam diba, hindi ibig sabihin gusto na kita, pero kung..." "Kung ano?" tanong ni Kaylo. "Kung hindi mo ako susukuan, baka...." "Baka ano?" "Baka bigyang pa kita ng second chance, Kaylo." "Anghelita! Hindi kita susukuan, kaya bigyan mo sana ako non." "Sige Kaylo, bibigyan kita." "Salamat Anghelita! Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ulit ako at hindi ka na muling iibig pa sa ibang lalaki dahil nandito na ako para sa iyo!" "Ayieh! hindi naman ako makakatulog nito," sabi ni Iryan. "Pero guys, tanggap niyo ba ako kahit ganito ako?" "Oo naman, kahit bakla ka. Ang tingin ko sa iyo ay lalaki pa din. Kahit mas mataas ang kakayahan mo bilang babae, lalaki pa din ang tingin ko sa iyo. Hindi lang siguro type talaga ni Anghelita ng may pagka-feminism. "Oo, naman, kaya pala mayroon akong napapansin na medyo kilos babae niyo sir," sabi ni Kaylo. "Ako din pero, mas nakikita ko ang p*********i mo, hindi pansin na bakla ka eh," sabi naman ni Anghelita. "Salamat dahil tanggap niyo ako." "Ako rin po. Haa.... Pero sa ngayon po gusto ko nang matulog," sabi ni Iryan. "Ako rin, maghahanda pa ako bukas para sa huling pagsasanay," sabi naman ni Kaylo." "Ayy, oo nga. Huling pagsasanay mo na Kaylo kaya matulog na tayo." "Night po sa inyo," sabi ni Iryan. "Bye po. Good Night. Matulog na po ako doon sa sasakyan. See you bukas," sabi ni Liam. "Good Night. Matulog na tayo Anghelita," sabi ni Kaylo. "Oo. Sige Kaylo, ang dami nating nagawa ngayong araw, oras na para magpahinga." "Patayin ko na ang mga ilaw na pinapagana ng mga solar panels," sabi ni Milu. "Kaya pala may ilaw kahit walang kuryente," sabi ni Kaylo. "Oo, binili ko ang mga iyan sa Dimafind City gamit ang sasakyan na ginamit ni Jey- Ar. Sige patayin ko na ang mga ilaw," ni Milu. Natulog nga sila ng 9:00 P.M. ng gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD