April Lacsamana Peterson Agad kong tinungo ang closet room at nag impaki ng kaunting mga damit at mga gagamitin. Wala naman talaga akong balak na iwan siya sadyang gusto ko lang siyang turuan ng leksyon. Bilang asawa niya ay ayokong matulad siya sa ibang lalaki diyan na nagiging lassengo at pabaya sarilli. Mahal ko siya, mahal na mahal kaya gusto kong malaman niyang nasa tamang tao siya kaya gagawin ko ito. Pagkatapos kong mag impaki ay sinigurado ko munang wala akong nakalimutan dalhin. Nang masigurado ko na ang mga dala ko ay lumabas na rin agad ako sa aming kwarto. Bago tuluyang bumaba ay sinilip ko muna siya guest room, dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at saka binuksan. He's still sleeping. Gusto ko man siyang lapitan upang kintalan ng halik ay hindi ko na iyon ginawa. Baka kasi

