Kapwa na kami nakaayos ni JL, at siyempre pati ang unica hija namin. Ngayong araw na kasi siya bibinyagan, limang buwan na siya ngayon kaya nakakaaliw na siya. Palangiting bata si Precious at ang Papa Jacob niya lagi ang nakakakuha ng kiliti niya, habang lumalaki siya ay mas nagiging kamukha niya na si JL. Para siyang girl version ng ama niya, ang saklap lang kasi wala talaga siyang nakuha sa akin. 'Di bale mahal na mahal ko naman ang asawa. Ngayong mga magulang na kami ni JL ay tanging si Precious na lang ang nasa isip namin, hindi ako kumuha ng Yaya para sa anak ko dahil mas gusto kong ako ang tumutok sa kanya. Kaming dalawa lagi ang madalas na magkasama dahil bumalik na sa trabaho si JL, ngunit sinisikap nitong makauwi sa tamang oras para makapaglaro pa sila ng anak namin. Mas lalo ko l

