April Lacasamana Peterson "Bakit mo pinahaba ang buhok mo?" tanong ko sa kaniya, habang nakaupo ako sa kama at siya naman ay nakaunan sa aking mga binti. Alas tres na nang hapon pero malakas pa rin ang ulan kaya nandito lang kami ni JL sa loob ng kwarto dahil hindi naman kami makalabas kahit sa may rooftop ay hindi talaga pwede, dahil sobrang lakas talaga ng ulan. "Nakakalimot ako e," tugon niya. Imposible naman yata iyon. Naisip kong itanong na lang din sa kanya kung ano ba ang naging buhay niya nung maghiwalay kami. Gusto kong malaman kung naging maayos ba ang buhay niya o, hindi. "JL?" tawag ko sa kanya, habang sinusuklay ko ang mahaba niyang buhok gamit ang aking mga daliri. "Bakit po?" tugon naman niya. "Ano bang nangyari sa buhay mo nung nahiwalay tayo?" tanong ko. "Malungko

