Habang binaybay namin ni Hero ang daan papunta sa kung saan ay nakaramdam ako ng pagkahilo may bente minutos na rin kasi kaming nasa biyahe. "Malayo pa ba tayo, bakla?" tanong ko. "Malapit na, bakla," tugon naman agad niya sa akin. Sinandal ko na lang muna ang ulo ko sa upuan at pinikit ang aking mga mata upang hindi maramdaman ang pagkahilo ko. Maya-maya lang ay nagising na ako dahil sa mahinang pagtapik sa kanang braso ko. "Tara na, bakla," saad ni Hero pagmulat ko ng aking mga mata. Kaagad ko namang inayos ang aking sarilli at saka na kami bumaba ni Hero sa kanyang kotse. Agad kong pinagmasdan ang paligid bago ito sa paningin ko at hindi ko alam kung nasaan kami. Ngunit narinig ko ang paghampas ng tubig ang kaya malamang sa malamang ay may dagat dito. "Where are we?" tanong ko ka

