April Lacsamana Peterson Nagising ako ng may kumatok sa pintuan ko, kaya kaagad akong bumangon at binuksan ang pintuan at si Mama ang bumungad sa labas ng pintuan. "Ma," paos kong tawag sa kanya. "Pril, anak nag-usap ba kayo ng asawa mo?" tanong naman niya sa akin. "Opo, Ma," tugon ko naman agad, pumasok pa si Mama sa loob ng aking silid at umupo sa aking kama. "Anong sinabi mo, anak?" tanong ulit niya. "Nakipaghiwalay na po ako sa kanya, Ma tutal wala na rin naman na pong tamang kahihinatnan ang relasyon namin," seryosong tugon ko. "Anak, sigurado ka na ba riyan sa desisyon mo? Hindi niyo na batalaga pwedeng maayos ang relasyon ninyo?" magkakasunod na tanong sa akin ni Mama sa nag-aalala niyang boses. "Ayoko na po, Ma tutal hindi naman po siya nakikinig sa akin mas pinalala lang n

