Jacob Luis Peterson Minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa bahay nila ngunit hindi ko nagustuhan ang aking nakita. Si April at si Erik masaya silang nag-uusap sa labas ng bahay ng asawa ko. Kung ako ang kaharap niya ay hindi man lang niya ako magawang kausapin pero itong best friend niya ay ang saya-saya ng pagmumukha niya. It's not fair! Dapat sa akin lang siya ngingiti at tatawa. "April!" sigaw ko. Nang tuluyan na akong bumaba sa aking kotse dahil hindi ko na kayang panuorin silang dalawa. Nakakadurog ng puso. Sabay silang napatingin sa akin at kitang-kita ko ang pagkagulat ng asawa ko nang makita niya ako, malakas kong sinara ang pintuan sa driver seat saka sila nilapitang dalawa. "Saan kayo galing?!" galit kong tanong sa kanilang dalawa at palipat-lipat ang tingin ko sa kanil

