April Lacsamana Pakiramdam ko ay nagdilim ang paningin ko dahil sa sobrang galit gustong-gusto ko siyang sampalin dahil sa ka kapalan ng pagmumukha niya. "Ano 'to?" galit kong tanong sa kanya sabay tayo mula sa sofa. "Sir JL, ipapaalala ko lang po sa inyo. Nurse po ako sa hospital ninyo at hindi ako basta-bastang babae lang diyan sa paligid-ligid!" nanggagailiti kong wika. "Kaya nga ikaw ang pinipili ko dahil hindi ka basta-basta, at dahil gusto kita," tugon niya sabay tayo rin mula sa sofa, napatawa naman agad ako ng pagak dahil sa kanyang mga sinabi. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya! "Ganyan ka na ba talaga ka desperado, Sir, kung kayat humantong pa talaga kayo sa pagbili ng magiging asawa ninyo?" nang-uuyam kong tanong. "Yes. Dahil ito lang ang tanging alam kong paraan para t

