CHAPTER 8

1558 Words
Jacob Luis Peterson Balik trabaho na ulit ako ngayong araw dahil lunes na naman. Hindi pa man ako nakarating sa PMH, ay kaliwa't kanang emails na ang natatanggap ko mula sa aking secretary. Kaya binilisan ko na lamang ang bawat kilos dahil mukhang mapapalaban na naman ako ngayon sa aking trabaho. But, still excited pa rin akong pumasok ngayon kahit na marami man akong gagawin, dahil ngayong araw ko na mismo isasakatuparan ang aking mga sinabi sa aking mga magulang. Pagkatapos kong gumayak ay agad na akong lumabas sa aking kwarto at bumaba saka tinungo ang dining area upang makapag almusal. "Good morning, man!" bungad agad sa akin ni Levi, na kasalukuyang nagkakape rito sa dining area. "Dumating ka na pala? How's the preparation?" sunod-sunod kong tanong agad sa kanya. Ngayon lang kasi ito nakabalik dahil busy ito sa kanyang magiging kasal. "It's a long and tiring day, man but it's worth it," nakangiting tugon naman agad niya sa akin. "Good to hear that, for sure naka score ka na naman," natatawang sabi ko pa sa kanya. Sa tuwing may kasama kasi itong babae ay hindi mabubuo ang araw nito kung hindi siya maka score. "Of course! Ako pa ba?" proud pa niyang tugon agad sa akin. "Kahit kailan talaga ang manyak mo," umiiling kong wika sa kanya habang natatawa sabay upo sa dining chair. "Siyempre, paano kami niyan makakabuo kung hindi pa namin sisimulan ngayon 'di ba?" pagmamayabang pa niya, na ikinatawa ko na lamang, hindi yata siya mabubuhay kung hindi siya makakatikim s*x. Pagkatapos naming mag almusal ay umalis na rin ako agad samantalang siya naman ay naiwan lang dito sa bahay dahil wala naman daw itong lalakarin. Minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa PMH, balak ko pa sanang dumaan main entrance ng hospital para makita si April kahit sandali. Ang kaso ay ma la-late na ako kaya dumeristo na lamang ako sa aking opisina. Pagpasok ko sa aking office ay limpak-limpak na trabaho agad ang bumungad sa akin wala pa man akong nasisimulan ay parang sasakit na ang ulo ko. Actually I don't have any position here in PMH, except from the fact that I'm the only child of Luisito and Wendy Peterson but, all the heavy works they pass it on me. Well, I can't blame them, dahil matalino naman talaga ako magaling pagdating sa larangan ng negosyo but, I think I should teach them a lesson. Hindi pwedeng ako na lang palagi I have my own life too and just because of this f*cking workloads I can't enjoy it anymore. And I should take action now. "Lia, inform everyone who have position in PMH, to proceed in the coference room," maawtoridad kong utos kay Lia sa pamamagitan ng intercom. "As in now, Sir?" tanong naman agad niya sa akin. "Yes, now!" pinal kong wika, at saka lumabas sa aking opisina. "Double time, Lia," seryosong wika ko kay Lia paglabas ko sa aking opisina, at nauna na ako sa conference room. Saglit lang ay nagsidatingan na rin ang mga may posisyon dito sa PMH, at bakas sa pagmumukha nilang lahat ang kaba dahil biglaan ang ginawa kong meeting. Well, they should be dahil simula bukas ay dodoblehin na nilang lahat ang kanilang mga trabaho. "Is everyone, here?" tanong ko sa kanilang lahat, at sabay-sabay nila akong sinagot ng yes. "Simula bukas ang tanging gagawin ko na lang sa PMH, ay mag che-check ng mga paper works at peperma ng mga kontrata at kung anu-ano pang mga ibang importanteng papelis. The rest is kayo na ang gagawa hindi ba kayo nahihiya sa akin? I'm the owner of this hospital pero lahat ng mga mabibigat na trabaho ay ako ang gumagawa na dapat ay kayo," pang-iinsulto kong litanya sa kanilang lahat, at kitang-kita ko kung paano sila napahiya dahil sa mga sinabi ko. "Ito na ang huling araw na gagawin ko ang mga limpak-limpak na trabaho na dapat ay kay ang gagawa. Kaya ngayon pa lang pag-aralan niyo na ang mga ginagawa ko para hindi kayo mahirapan. Lia will send you the details within a minute," pinal kong wika sa kanilang lahat, at saka na ako lumabas ng conference. Agad na akong bumalik sa aking opisina para tapusin ang mga gawain ko. Kailangan ko nang tapusin ito ngayon dahil last na rin naman 'to. Buong araw kong ginogol ang oras at atensyon ko sa mga gawain kung kayat dama ko agad ang pagod nang matapos ko na ang mga ito. Pabagsak kong sinandal ang likod ko sa swivel chair at hinihilot aking noo dahil sa labis na pagod, tiyak makakatulog agad ako nito mamaya pa-uwi ko. Ngunit maya-maya lang din ay nagpasya na rin akong umuwi kaya niligpit ko na agad ang mga gamit ko at at sakto namang paglabas ko sa aking office ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan, kaya binilisan ko na ang aking paghakbang pababa sa aking parking space upang hindi ako mabasa ng ulan. Agad kong tinungo ang kotse ko nang marating ko na ang parking space agad na akong pumasok sa loob at saka tuluyang nilisan ang PMH, sakto lang ang pagmamaneho ko dahil malakas pa rin ang ulan at baka may mabangga akong tao kaya palinga-linga rin ako sa paligid hanggang sa mahagip ng paningin si April na sumisilong sa isang waiting shed. Kaya agad akong nag cignal light upang itabi ang kotse ko sa kung saan nakapwesto si April napatingin pa muna ako sa aking wrist watch upang tignan ang oras and it's already 5:40, and it only means na naabutan siya ng ulan dahil sumisilong pa siya sa waiting shed. "April!" malakas kong tawag sa kanya nang buksan ko ang bintana sa passenger side, agad naman siyang tumingin sa akin. "Get in!" sigaw ko dahil palakas na rin nang palakas ang ulan, ngunit inilingan niya lang ako. Damn! Hindi pwedeng hindi siya sumakay for sure matatagalan pa siya kakatayo sa waiting shed at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. "April, sumakay ka na!" sigaw ko ulit pero tanging iling lang talaga ang tinugon nito sa akin. "F*ck!" mura ko. Bakit ba ang hirap niya laging kausapin? Ano bang problema niya sa akin? At dahil ayaw niya talagang sumakay ay hinubad ko na ang coat ko saka bumaba sa kotse at agad ko siyang nilapitan. "Let's go," sabi ko sa kanya sabay pandong ng coat ko sa kanya ulo upang hindi ito mabasa, at hindi ko na ito hinintay pang sumagot dahil hinila ko na ito patungo sa kotse ko. Pinagbuksan ko agad siya ng pintuan sa passenger seat nang makapasok na ito ay siya namang pagsara ko agad ng pintuan at sumakay na rin ako sa driver seat. Sandali lang akong lumabas pero basang-basa na agad ako kaya naman binuksan ko na lang tatlong buttones ng aking polo, at binalingan ko agad ng tingin si April nakayuko ito habang nilalaro-laro ang ang kanyang mga daliri. "Are you okay?" tanong ko agad sa kanya, at agad naman niya akong tinignan. "Sir JL, yung tungkol po roon sa—" naputol ang dapat nitong sasabihin dahil sinabat ko ito agad. "Tapos na 'yon at wala na akong magagawa," matigas kong wika, dahil pinaalala niya pa talaga sa akin ang nakakakinis naming pagkikita roon sa park. "Ihahatid na lang kita sa inyo, Just tell me where you live," seryosong sabi ko ulit, pero hindi ito sumagot kung kayat binalingan ko ito ng tingin. Nagulat na lang ako nang makita ko itong lumuha. Agad naman akong na konsensiya at nagalit din ako sa aking sarilli dahil ako ang dahilan kung bakit siya lumuha. Damn! "Hey, don't cry, sorry kung may nasabi man akong mali sa'yo," pang-aalo ko sabay hawak sa kanyang kanang pisngi at dahan-dahan ko siyang pinaharap sa akin. "Hindi ko naman po kasi talaga boyfriend yung kasama ko sa park, best friend ko lang po siya, Sir at hindi pa po ako pwedeng pumasok sa isang realasyon dahil may problema pa po akong hinaharap," malungkot nitong paliwanag sa akin. Nagdiwang naman agad nang sobra-sobra ang puso ko dahil sa aking nalaman, at isa lang ang ibig sabihin nun may pag-asa pa ako sa kanya. Magiging asawa ko na siya. "Would you mind if I ask what is your problem?" malumanay kong tanong. Gusto kong malaman kung ano ang problema niya baka sakaling matulungan ko siya. "Kailangan ko po ng 3 million dahil nakasangla po sa banko ang bahay namin," mahinang tugon nito sa akin. Agad naman akong natuwa dahil sa sinabi niya, I could help her with her problem pero dapat ay may kapalit. And that she will be my wife. "I can help you with that, April," nakangiting wika ko. "Give me your phone number para ma text ko sa'yo ang address ko," dagdag ko, pero kitang-kita sa kanyang pagmumukha ang pag-aalangan. "B-bakit po?" nauutal nitong tanong. "I have an offer, at makakatulong iyon sa problema mo. Don't worry April wala akong gagawing masama sa'yo trust me," paniniyak ko sa kanya. "Promise," muling turan ko. And with that she hand me her phone and get her number and I saved my mine too. "Shall we?" tanong ko agad sa kanya at isang tango naman agad ang tinugon niya sa akin. Kaya agad na kaming umalis at habang nagmamaneho ay hindi na mawala-wala ang ngiti sa aking labi. Kung siniswerte ka nga naman oh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD