April Lacsamana Peterson Maya-maya lang ay bumalik na rin si Mama loob ng aming bahay tumingin pa ako sa likuran niya baka kasi sumama si, JL, buti na lang at walang nakasunod sa kanya. "Kain na po tayo, Ma," aya ko kay Mama sabay upo sa upuan. "April anak, hindi ka pa ba talaga uuwi sa inyo?" tanong ni Mama sa akin sa nag-aalala niyang boses, at isang malalim na buntong hininga agad ang pinakawalan ko. "Paano po ako uuwi gayong hindi pa rin po natuto ang asawa ko?" Agad namang kumunot ang noo ni Mama dahil sa tinanong ko sa kanya. Halatang hindi nito alam ang ibig kong sabihin. "Anong ibig mong sabihin, Pril?" pagtatakang tanong niya. "Hindi niyo po ba kanina nakita ang pagmumukha ni, JL, Ma? Lango na naman po siya alak," mariin kong tugon. "Anak nagkakamali ka puyat ang asawa mo

