Jacob Luis Peterson Nandito kami ngayon ni Dad sa Singapore dahil may bagong project kaming na close rito, sobrang saya ng ama ko dahil matagal niya na itong inaasam at ngayon ay natupad na. "This one's call for a celebration, Mr. Peterson!" saad ni Mr. Anonio sa amin, siya ang bagong client namin sa PMH, sa States. Pinaunlakan naman namin ni Dad ang imbitasyon niya kahit na ang totoo ay ayoko na sana dahil pagod na ako. Kahapon pa kami rito ni Dad at mula kahapon ay inasikaso ko na ang presentation at ibang documents para mapapayag si Mr. Antonio na makipagsosyo sa PMH. At dahil wala akong nagawa ay napasama nga ako sa celebration, nandito na kami ngayon sa isang mamahaling bar sa Singapore at kumuha ng VIP rooom si Mr. Antonio at nag order din ito ng iba't-ibang klaseng alak at napak

