April Lacsamana Peterson "Saan mo ba gusto magpa check-up, sweetheart sa hospital o, dito na lang sa bahay?" Kunot noo ko siyang tinignan dahil sa tinanong niya. "Siyempre sa hospital, Mister hindi naman pwedeng dito sa bahay imposible naman iyan," tugon ko naman agad. "I can make it possible, sweetheart, remember your husband is the most hot and handsome billionaire in the world." Wow ang hangin! Natawa na lamang ako sa sinabi ang lakas talaga ng guts na lalaking itong purihin ang sarilli niya sa harapan ko. "Pakihinaan mo nga ang aircon, Mister," utos ko sa nagbibiro kong boses, ngunit hindi niya iyon napansin dahil agad umiba ang reaksyon ng pagmumukha niya. "Why you feel cold? Punta na kaya tayo ngayon sa hospital," nag-aalala at tarantang niyang tanong agad sa akin, at mas lalo

