April Lacsamana Peterson Balak ko na lang sanang hintayin si Hero rito sa parking area ang kaso ay biglang kumulog. Nabalita nga pala nung nakaraan sa TV, na may paparating na bagyo ngayon at ngayong araw na yata mag la-landfall. Ang tagal naman kasi ng baklang iyon lumabas, at dahil suno-sunod na ang pagkulog at dumidilim na rin ang langit ay bumalik na lamang ako sa loob ng hospital at baka maulanan pa ako rito sa labas. Kung hindi ko lang talaga kaibigan itong si Hero ay iniwan ko na lang siya. Pagbalik ko sa office ni Hero ay busy na ito kakaperma ng mga papelis sa mesa niya, at kung hindi pa ako tumikhim ay hindi pa nito napansin ang presensiya ko. "Uy, bakla sorry hindi agad ako nakalabas tinambakan kasi ako ng sekretraya ko ng mga pepermahan kong papers," hinging paumanhin niya s

