Pag baba pa lamang ni Faith mula sa sinakyang yate ay hindi na agad maitago ang labis niyang pagkamangha. Paano ba naman, wala sa kanyang isipan na sa ganito kagandang isla pala siya balak dalhin ni Zack. Sa kabila ng madilim na paligid na naliliwanagan lamang ng ilang poste ng ilaw ay tanaw pa rin ni Faith ang isang may kalakihang bahay na gawa sa kawayan at anahaw. Mayamaya pa ay wala sa sarili siyang napa pikit nang tumama sa kanyang mukha ang malamig na simoy ng hangin. Sandali pa siyang napa singhot saka wala sa sariling napa ngiti nang maamoy ang bagamat malansang amoy ng dagat ay hindi niya pa rin naman itatangging sadyang nakaka-relax iyon. "Are you enjoying the view?" Halos mapa talon sa gulat si Faith nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang malamim at seryosong tinig na

