Isang mahigpit na yakap ang agad na isinalubong ni Faith sa ina pag pasok niya pa lamang sa kanilang munting tahanan. Bakas man ang panghihina sa mukh nito dahil sa karamdaman ay hindi pa rin naman na itago niyon ang tuwa sa mukha ng ina. “Parang ang saya mo naman yata ngayon ma? Na miss po kita…” Naka ngiting sabi ni Faith, isa pang mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito bago tuluyang tumayo ng maayos upang kausapin ito. “Malalkas kasi ang pakiramdam ko na may maganda kang balitang ibibigay sa akin ngayon, so ano kamusta naman ang bakasyon mo kasama si Zack? Mukhang masayang masaya ka ah?” Halos umabot sa tenga ang ngiting sabi nito, kunwari namang napasiumangot dito si Faith. “Well, despite the fact na sumama ang loob koi dahil mukhang ibinenta niyo ako kay Zack, kayo ni David De

