Matapos ang ilang araw nang muntikan na siyang mahuli ng kanyang nanay na nakikipag ‘make-out’ kay Zack sa mismong silid niya ay mas lalong naging dobleng pag iingat niya na. Kahit pa naman kasi sabihing gusto niyang pigilan ang kasalan ay hindi pa rin naman tamang magpa huli silang nag chu-chukchakan ng panganay na anak ni David De Guzman. Kahit saang angolo rin naman kasi tignan ay masama pa rin naman iyon, alam niyang kailangan niya pa ring itago ang relasyon nila ni Zack lalo na ang tungkol sa s****l relationship nila, bilang respeto na rin sa kanyang ina, ayaw niya namang ipakita rito kung gaano siyang ka baliw kay Zack. Katulad na lamang ngayon. Pasado alas onse na ng gabi at heto siya’t tila isang magnanakaw na pasilip-silip sa maliit na siwang ng pinto ng kanyang silid. Coast

