Hindi alam ni Faith kung naka ilang beses na siyang nag pabalik-balik sa pampang, malapit na kasing matapsos ang buong mag hapon ay wala pa ring Zack na bumabalik mula sa MABILIS na pangingisda lamang mula pa kaninang umaga. Isamang ang lakas ng ulan at mukha ring galit na galit ang dagat, tuloy ay hindi niya mapigilan ang sariling huwag balutin ng labis na pag aalala. “Faith iha, wala pa rin bang balita?” Bakas ang pagaalala sa tinig na tanong sa kanya ni nanay Mel, naka suot ito ng kapote habang humahangos na papalapit sa kanya. “W-wala pa rin ho nanay Mel eh, kanina pa rin ho akong nag hihintay, nag aalala na ho ako.” Kagat-labing sabi ni Faith habang pinipigil ang sariling huwag mapa luha. “P-Paano ho kung may masama nang nangyari sa kanila?” Wala sa sariling dagdag niya pa, aya

