Sa halip na mag aksaya pa ng oras sa pakikipag talo kay Zack na alam niya namang hindi rin matatapos kapag pinatulan niya pa ay mas pinili na lamang ni Faith ang manatiling tahimik. Malakas siyang napa buga ng hangin saka walang sabing kumuha na lamang ng panibagong alak na maiinom. At dahil siya si Faith, ang kaparehong alak pa rin ang ang kanyang kinuha, matapos iyong buksan ay agad niya iyon ininom hanggang sa umabot ang laman sa kalahati bago siya humarap kay Zack saka nag kibit balikat. Katulad ng inaasahan ay agad siya nitong sinamaan ng tingin na hindi niya rin naman pinansin. Kung bakit ba naman kasi may oras pa itong pakealaman ang pag inom niya ng alak gayong halata namang masyado na itong abala sa kababata nito. “Wow… You really dare to defy him huh? Baka naman mahilo na iy

