“The guy was all over you for almost two years now, Faith...” Naiiling na sabi ni Talia habang humihigop ng kape. “Yeah, I know that...” Kagat-labi niyang sabi saka tinapunan ng tingin ang isang bouquet ng red roses na kaka abot lamang sa kanya ng isang delivery man. “You know that, so? May balak ka bang sagutin kasi kung hindi pwede mong ipasa sa akin, tumatangap naman ako ng used.” Taas kilay na sabi pa ni Talia, sinamaan naman ito ng tingin ni Faith.” “I just don’t know, okay? I didn’t say I don’t like him, ewan ko ba alam ko naman na halos dalawang taon na rin akong nililigawan ni Jared, I mean I know the guy was serious, he’s in love with me and I like him... it’s just that... hindi ba masyado namang mabilisan kung sasagutin ko na siya ngayon?” Wala sa sariling sabi ni Faith.

