Hindi na nagulat si Faith nang pag salubong pa lamang niya sa mga bagong dating ay mukha agad ng kaibigang si Thalia ang kanyang nakita. Noon kasing nalaman niyang nagkikita ito at si Jared ay sadyang inasahan niya nang mangyayari iyon, hindi niya lamang inaasahan na maging si Thalia ay kasama pala ni Jared sa pag punta doon. Agad napa ngiti si Faith nang matanaw ang kaibigan kahit pa sa itsura pa lamang nito ay ramdam niya na ang tila hindi matatawaran nitong pagkailang sa kanya, ganoon din naman si Jared. “Hi!” Masigla niyang bati sa mga bagong dating sa pagbabakasakaling kahit doon man lang ay mawala kahit paano ang namumuong pagkailang sa pagitan nilang tatlo. “H-hi…” Ganting pag bati ng kanyang dating nobyo. “What’s wrong? May nangyari bang hindi maganda?” Kunot-noong tan0ng n

