Malakas na napa buga ng hangin si Faith matapos ayusin at ilagay sa malaking maleta ang mga gamit nilang mag ina. Agad pa siyang napa lingon nang mag salita ang ina na tahimik lamang na pinapanood siya sa ginagawa. “Sigurado ka na ba dito anak? Kaya na ba talaga natin ang lahat?” Bakas ang pag aalala sa mukhang tanong sa kanya ni Elisha. Nag pilit naman ng ngiti dito si Faith bago pilit na tumango bilang sagot. “Alam kong nag aalala ka ma, ganoon rin naman ako, pero katulad nga po ng sinabi ko sa iyo kahit mahirap kakayanin ko, aalagaan kita… Isa pa hindi ba napag usapan naman na natin ito? Sa tingin ko kasi masyado nang nakaka hiya kay sir David, ilang buwan na rin naman na tayong nandito sa tingin ko naman tama na ang naitulong nila, isa pa maayos na rin naman ang inaayos kong nego

